Are you a showbiz fan na updated sa latest chika? Join the Anong Chika Today? Private page on Facebook for unli-chikahan!

Join Now

Miss World Philippines 2018 Katarina Rodriguez, girlfriend ng anak ng isang congressman?

by PEP Troika
Nov 22, 2018

JERRY OLEA: Pasok na sa Top 30 ng Miss World 2018 si Maeva Coucke ng France.

Winner kasi si Maeva sa Top Model Competition na ginanap nitong Nobyembre 20, Martes, sa Sanya, China.

Siya ang unang quarter finalist ng timpalak.

Ang kinatawan ng Pilipinas na si Katarina Rodriguez ay pasok sa Top 32 ng Top Model Competition, ngunit ligwak ganern sa Top 5.

 IMAGE @iamdoc via @katarinarodri Instagram
Continue reading below ↓

Mahigit 100 ang finalists ng 68th Miss World, na ang koronasyon ay nakatakda sa Disyembre 8, sa Sanya, China.

Kasali rin sa Miss World this year si Metzi Solano ng El Salvador, na gaya ni Katarina ay lumahok sa Miss Intercontinental 2017.

Continue reading below ↓
Recommended Videos

Mula sa Top 30 ng timpalak ay pipiliin ang Top 12, na pagpipilian ng Top 5, hanggang ihayag ang winner at dalawang runner-up.

Ang kasalukuyang Miss World ay si Manushi Chhillar ng India.

GORGY RULA: Dadalo kaya ang rumored boyfriend nitong si Javin Benitez sa pageant night ng Miss World sa China?

Napangiti si Negros Occidental Third District Representative Albee Benitez nang tinanong namin kung si Katarina nga ba ang girlfriend ng anak niya.

Naisama raw minsan si Katarina sa bahay nila, pero hindi pinapakialaman ng kongresista ang love life ng anak niya.

“Rooting for you! Good luck K!” bahagi ng post ni Javin sa Instagram, kung saan may kuha silang dalawa na magkasamang dumalo sa event ng isang brand ng gadget kamakailan.

Continue reading below ↓

Sinagot siya ni Katarina ng, “Good luck with your workshops, ha!”

Nag-a-acting workshop kasi ngayon si Javin sa Star Magic.

Suportado nila ang career ng isa’t isa.

NOEL FERRER: Sa pageants, all eyes are on Miss World at Miss Universe pageants na gaganapin sa December 8 at December 17, respectively. 

Sana ay maging maganda ang showing ng ating mga kandidata.

Medyo mas komplikado ang proseso ng pagpili ng Miss World na parang isang malaking reality show.

Sana, kayanin ito ng ating kandidatang si Katarina Rodriguez.

Samantala, beauty with substance ang projection ng ating kinatawan sa Miss Universe na handang-handa na ang pinag-uusapang signature lava walk.

Panay rin ang good luck plug ng ABS-CBN sa ating kandidatang si Catriona Gray.

Harinawa’y magwagi tayo!

View this post on Instagram

Walking into NYFW like �?��?��?�@sherrihill

A post shared by Catriona Gray (@catriona_gray) on

Read Next
Latest Stories

Are you a showbiz fan na updated sa latest chika? Join the Anong Chika Today? Private page on Facebook for unli-chikahan!

Join Now
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results