Mader Sitang, na-"fake news" ang buong Pilipinas

Mader Sitang, na-fake news ang buong Pilipinas
by PEP Troika
Nov 23, 2018

JERRY OLEA: Ibinasura na ni Mr. Gay World-Philippines 2009 Wilbert Tolentino, ex-manager ni Mader Sitang, ang brand name na “Simply Sitang.”

Wilbert Tolentino and Mader Sitang
 IMAGE Noel Orsal

Aniya, tinatanggal na nila yung label na yun sa mga produkto (gaya ng pabango) at ido-donate nila.

Hindi na nila ma-recycle ang mga iyon dahil may mga scratch na ang label pati ang boxes.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Kaya bago lahat iyong products sa online store na UBC Shopping is Helping, na inilunsad nitong Nobyembre 22, Huwebes ng hapon, sa One 690, Roces Avenue, QC.

“Closed chapter na yun,” nakangiting sambit ni Wilbert. “Hindi magandang alaala yun. Ibaon na natin sa limot.”

Hindi na pinursigi ni Wilbert ang pagpapadeklara kay Mader Sitang bilang persona non grata sa Pilipinas.

Aniya, aprubado na ng Bureau of Immigration ang pagiging blacklisted ni Mader Sitang. Pina-process na raw ang paglabas ng papeles.

Walang balak si Wilbert na kasuhan pa si Mader Sitang sa ating husgado, dahil hindi ito makakapasok sa bansa.

At hindi natatakot si Wilbert na bumalik sa Bangkok, Thailand.

GORGY RULA: “Isa pong fake news si Mader Sitang,” diretsahang pahayag ni Wilbert Tolentino kahapon sa launching ng kanyang online store na UBC Shopping is Helping.

“Sana po, lahat tayo, hindi basta maniwala sa mga fake news. Nabiktima tayo lahat. Buong bansa po, naniwala sa kanya,” dagdag niyang pahayag.

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

Nilinaw rin ni Wilbert na hindi siya ang nagpasimuno sa pagkalat na isang abugado si Mader Sitang at tumulong sa mga nasalanta ng bagyong Yolanda.

“Ako kasi ang tinuturo sa social media na ako naman daw ang nagpakalat na lawyer siya, tumutulong sa Yolanda victims.

“Bago ko pa siya nahawakan, talagang kumakalat na ganun na nga ang news niya, na siya nga raw po ang lawyer, which is hindi pala,” saad ni Wilbert.

So, ano pala si Mader Sitang?

“Actually, parang sindikato siya.

“Pinagtripan ako, e. Parang naghahanap siya ng malaking isda na may kumuha sa kanya, which is isa ako sa nabiktima,” pakli ni Wilbert.

NOEL FERRER: Iwas na nga lang po tayo sa fake news—at all cost!

Sana, may ganito ring paglilinaw ang ibang mga media establishment at shows (ng supposedly credible broadcast journalists) na sobrang pumuri at nag-feature kay Mader Sitang.

Maaamin ba nilang nagkulang sila to see through the praise releases at hype?

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓
Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results