Tirso Cruz III at Lynn Ynchausti, ibinahagi ang six-month battle ni Teejay sa cancer

Tirso Cruz at Lynn Ynchausti, nananatiling matatag sa kabila ng pagpanaw ng panganay na si Teejay.
by PEP Troika
Nov 23, 2018

JERRY OLEA: Ang lamay kay Tristan Jedidiah “Teejay” Cruz ay inilipat na sa Rizal Premiere Chapel ng Manila Memorial Park sa Sucat Road, Parañaque.

Si Teejay ay panganay na anak nina Tirso Cruz III at Lynn Ynchausti Cruz.

IMAGE Jerry Olea / @lynn525 Instagram

Pumanaw si Teejay dahil sa cancer noong November 21.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Nakausap namin ang mag-asawang Tirso at Lynn ngayong Biyernes ng hapon, November 22.

“Kalilipat lang dito. Naabutan pa nina Herbert at Lani sa kabilang chapel kaninang umaga,” matamang kuwento ni Tirso, na ang tinutukoy ay sina Quezon City Mayor Herbert Bautista at Bacoor Mayor Lani Mercado.

Isa pang celebrity na nakilamay ay si Willie Revillame, na inabot doon ng pasado alas dos ng madaling araw kanina.

Punong-abala sa burol ang kapatid ni Teejay na si Bodie Cruz.

Sabi ni Lynn, “Sinabihan ako ni Bodie, ‘Mommy, ako na ang bahala.’ Siya ang nag-aasikaso ng mga dapat ayusin.”

Tanggap ni Lynn na kapiling na ng Panginoon ang kanyang anak.

Anim at kalahating buwan na nakaratay sa ospital si Teejay simula noong Mayo 1.

Apat na araw lang ito nakauwi sa kanilang tahanan, noong Setyembre 17 to 20.

Nilagnat agad-agad si Teejay kaya ibinalik sa ospital.

Sa loob ng mahigit anim na buwang pakikipaglaban niya sa cancer, nakatatlong chemotherapy si Teejay.

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

Pero mas lalong tumatag ang relasyon ng mag-ina.

Proud kasi si Teejay na matawag na "Mama’s boy" at bahagi ng kanilang araw-araw na bonding ang sabay na pagdarasal pagpatak ng 5:30 a.m.

Patuloy na umasa sa himala si Lynn.

Hanggang sa sinabihan ni Teejay ang inang si Lynn, “Ma, pagod na ako...”

Nang makita niyang labis nang nahihirapan si Teejay, binulungan daw niya itong kapag nasilayan ang liwanag ay sundan iyon at sumama na sa Panginoon.

Ike-cremate ang mga labi ni TJ sa Nobyembre 25, Linggo, 2:00 p.m., sa Manila Memorial Park.

IMAGE Jerry Olea
ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

NOEL FERRER: In shock pa rin ang mga tao sa pagkamatay ng panganay na anak ni Tito Pip, palayaw ni Tirso.

Alam natin na nagkasakit din ng cancer si Tito Pip, pero nalagpasan niya ito.

Mas masakit talaga kung ang anak pa ang nauunang pumanaw sa magulang.

Overflowing ang pagmamahal at suporta ng showbiz community sa pamilya nina Tito Pip.

Ang PEP.ph, lalo na ang Troika, ay kasama ng pamilya na nagdarasal para sa eternal repose ng kaluluwa ni Teejay.

Grabeng hinahangaan natin ang tatag na ipinapakita ng pamilya sa pag-handle ng pangyayaring ito.

GORGY RULA: Ang laki ng ipinayat nina Tirso at Lynn.

Nakikita ko sa kanila ang sakit na pinagdadaanan nila, pero sabi nga ni Lynn, nasa mabuting kalagayan na ngayon ang kanyang anak.

“Hindi na niya kailangang makipagsapalaran pa. Balik na siya kay Lord," dagdag na pahayag ni Lynn.

Si Tirso, at ang dalawa nilang anak na sina Bodie at Djanin, ang nag-aasikaso sa wake hanggang sa cremation ni Teejay.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Hindi pa alam ni Lynn kung ano ang balak ng mga anak niya, pero pagkatapos ng cremation, iuuwi nila sa bahay ang remains ni Teejay.

Iyon ang gusto ni Teejay—ang makauwi na siya sa kanilang tahanan.

IMAGE Jerry Olea
Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results