Jose Mari Chan, ayaw tanggapin ang titulong Father of Philippine Christmas Music

Jose Mari Chan, ayaw tanggapin ang titulong Father of Philippine Christmas Music
by PEP Troika
Nov 24, 2018

JERRY OLEA: Pagsapit ng Setyembre 1, pinapatugtog na ng mga DJ sa local FM stations ang kantang "Christmas In Our Hearts.

May mga nagtaguri tuloy sa kumanta nitong si Jose Mari Chan bilang "Father of Philippine Christmas Music."

Rita Daniela and Jose Mari Chan
 IMAGE Jerry Olea

“I cannot consider myself Father of Christmas Music,” mapagkumbabang sansala ng septuagenarian singer nitong Nobyembre 23, Biyernes, sa Blue Rocket cafe, Sct. Reyes St., Brgy. Laging Handa, QC.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

“Because when you say Father of Christmas Music, it should go to people like Levi Celerio or, you know, Francisco Santiago, who wrote songs like 'Ang Pasko Ay Sumapit...' 'Pasko Na Naman,' you know...

“Those are the Fathers of Christmas Music. I don’t deserve that title. No! No! I don’t deserve that. No!” maigting pang pag-iling ni JMC.

Sabihin na lang daw na siya ang “current flavor.”

Dagdag ni Jose Mari, darating ang panahong magbabago ang panlasa ng mga tao at malilimot din ang kanyang kanta.

Ang tanging permanente, ang natitiyak niya... Constant Change.

Tampok si Jose Mari Chan sa concert na Going Home to Christmas, na nakatakda sa Disyembre 22, Sabado, 8 p.m., sa The Theater at Solaire.

Panauhin niya rito si Rita Daniela. Sasabihan din niya ang isa mga apo niya na mag-duet sila sa Christmas concert na ito.

Para sa tiket, tawagan ang Ticketworld sa (02) 891-9999.

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!
Rita Daniela and Jose Mari Chan
 IMAGE Jerry Olea

NOEL FERRER: "Christmas Ambassador" ang tawag kay Tito Joe.

Kasi naman, siya at ang kanyang musika ang hudyat ng Kapaskuhan sa Pilipinas.

He also has very talented children at isa roon ay ang aking former student na si Joe Chan Jr.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

May hitsura at may talent din ito sa pagkanta.

Maganda kung may number din ang buo nilang mag-anak sa gaganaping concert.

GORGY RULA: Sabi ni Rita Daniela, parang ang suwerte sa kanya ang Chan.

Napansin ang galing niya sa pag-arte nang siya ang piniling ka-partner ni Ken Chan sa My Special Tatay.

Dagdag na achievement sa kanyang singing career na maka-duet niya si Jose Mari Chan.

Kaya sa presscon pa lang kahapon, hindi siya makapaniwalang tinawag siya ni Jose Mari para mag-duet sa "Please Be Careful With My Heart" at "Christmas in Our Hearts."

Lahat na mga kanta ni Jose Mari Chan, kabisado raw niya at hindi niya akalaing makakasama siya nitong kakanta sa isang entablado.

Ang suwerte nga ba ng Chan sa kanya?

“Opo. Nagkataon lang siguro, pero this time kasi, I’m committed to God… to myself, to God and sa church.

“Noong nangyari yun, everything’s just so easy na... alam mo yung mga things na hindi ko hinihiling na ibinibigay siya nang sobra ni Lord.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

“Yung Special Tatay, ibinigay Niya sa akin nang buong-buo, tapos yung success.

“Even this concert… of all people, of all artists, na puwede niyang i-guest.

"Everything that is happening to me right now, I’m just really thankful and just bring it back to God," seryosong pahayag ni Rita.

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results