Aiko Melendez, no regrets sa hindi pagtakbo bilang QC councilor

by PEP Troika
Nov 24, 2018

JERRY OLEA: Walang regrets si Aiko na isinakripisyo niya ang pagtakbong konsehal sa Quezon City para masamahan ang kasintahang si Subic Mayor Jay Khonghun, na kandidato sa pagka-Vice Governor ng lalawigan ng Zambales.

 IMAGE Jerry Olea

“Not a single tinge of regret!” masayang sambit ni Aiko nang maka-chikahan namin nitong Nobyembre 24, Sabado, sa White Rock Waterpark and Beach Hotel sa Subic.

Continue reading below ↓

“Worth it naman na samahan siya.

“And I’ve been telling this nga, parang... with all his sacrifices and hard work naman, I want him to win. Because he deserves the position.

“I want to help him. And he didn’t ask for it. I was the one who offered.”

Sabi ni Mayor Jay, mahal na mahal ng tatay niya si Aiko.

Lalong tumamis ang ngiti ni Aiko sabay sabing, “Ang family rin naman niya, mahal ko. Kasi, mabubuti silang tao.”

Isang taon at isang buwan na ang kanilang pag-iibigan.

Ipinagdiwang nila ang kanilang anibersaryo sa Japan.

Dalawang araw lang sila roon dahil marami pang dapat asikasuhin si Mayor Jay sa kanyang constituents.

“Ako, P.A. [production assistant o alalay] lang niya!” bulalas pa ni Aiko, na mayor ang karakter sa MMFF 2018 entry na Rainbow’s Sunset.

“Nasa likod lang niya ako.”

GORGY RULA: Sana, ito na ang lalaking para talaga kay Aiko.

Continue reading below ↓

Nang pumunta ako sa pagbubukas ng Boracay noong nakaraang buwan, nakita ko ang dating asawa ni Aiko na si Martin Jickain na mukhang masaya na roon sa kanyang kasalukuyang partner.

Si Jomari Yllana naman ay nakikita ko ring masaya sa kanyang girlfriend na kapapanganak lang.

Marami nang napagdaanan ang aktres, at tiyak namang marami siyang natutunan sa mga pinagdaanan niyang iyun at magagamit na niya ngayon kasama si Mayor Jay.

Tapos na rin siguro ang isyu ni Aiko sa dating asawa ni Mayor Jay na ang narinig ko lang doon, ang ilang taong malapit daw sa dating asawa ng Subic Mayor ang nangugulo at hindi ang babaeng iyun.

Deserved ni Aiko ang sumaya, at sana sa piling na ito ni Mayor Jay Khonghun.

NOEL FERRER: All’s well that ends well. Sana ay nahanap na nila ang magiging katuwang nila sa buhay talaga—na magpapalabas ng lahat ng BEST sa kanila.

Ito ang magandang halimbawa ng mabuting pagmu-move on at move forward!

Continue reading below ↓
Read Next
Read More Stories About
Aiko Melendez, jay khonghun
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results