Are you a showbiz fan na updated sa latest chika? Join the Anong Chika Today? Private page on Facebook for unli-chikahan!

Join Now

Katrina Halili, may hinaing sa pagka-kontrabida

by PEP Troika
Nov 24, 2018

GORGY RULA: Si Katrina Halili ang bagong karakter na ipinasok sa Pamilya Roces.

 IMAGE Gorgy Rula

Gagampanan niya ang role bilang si Maria Eloisa o Maisa, na gugulo sa Pamilya Roces.

Kontrabida na naman siya at okay lang kay Katrina iyun dahil doon siya nakilala.

Pero ang hinaing ng Kapuso actress, lagi na lang daw sobrang sama ang ginagampanan niyang pagkakontrabida.

Continue reading below ↓

Dito sa Pamilya Roces, may kahihinatnan daw kaya excited siya sa pagsisimula niya rito.

Naloloka lang daw siya sa mga nagawa niyang drama series noon, dahil sobrang sama niya.

Kaya ang ending ng karakter na ginagampanan niya, sobrang sama rin.

Continue reading below ↓
Recommended Videos

“Ang demonyo ko talaga! Masama talaga,” pakli ni Katrina nang makausap namin kagabi, November 23, sa set ng Pamilya Roces sa Luneta Hotel.

“Okay naman yung kontrabida e, pero yung sana, magkaroon naman ng remorse sa huli—yung parang may dahilan kung bakit ka naging ganyan.

“Lagi na lang ang saklap ng ending sa akin, e. Pinapakain sa buwaya, sinusunog, ganun. Ten years na akong ganun kasama,” himutok ni Katrina.

Hindi naman daw siya nagrereklamo.

Pero ang gusto sana niya, yung ma-justify ang pagiging masama niya at makakabawi sa ending.

“Hindi naman sa disappointed, pero naisip ko lang, bakit ang iba namang kontrabida, binibigyan nila ng twist?

“Pag ako, black. Always black. Yung demonyo talaga... as in,” diin pa ni Katrina.

Continue reading below ↓

Kaya hindi na raw niya pinapanood ang anak niya ng mga programa niya sa TV dahil ayaw niyang makita siya nitong sobrang sama.

“Hindi naman inspiring yung ginagawa ko, huwag na lang,” deretsong pahayag ni Katrina.

“Saka ang anak ko naman, mahilig talaga sa cartoons.

“Pag nakita niya na may SPG, hindi na niya pinapanood,” dagdag niyang pahayag.

NOEL FERRER: Hayaan mo na, Katrina. At least, marami kang work!

Gawin mo na lang yung ginawa mo with Omar Sortijas.

Gumawa ka ng indie films para maipakita mo ang ibang side mo at ang pag-improve ng acting mo.

Patunayan mo na higit pa sa one-dimensional character na super bad ang kaya mong gampanan.

Kayang-kaya mo yan! And remember, mas tumatagal ang career at hindi nawawalan ng projects ang mga kontrabida!!!

Go, go, go!!!

JERRY OLEA: Sa dami ng cast members ng Pamilya Roces, kaabang-abang ang pasiklab ni Katrina.

Ang trabaho ay biyaya.

Continue reading below ↓

Niche na ni Katrina ang pagiging La Primera Contravida.

Baka mamaya, kung hanash nang hanash si Katrina ay magtampo sa kanya ang grasya.

Read Next
Latest Stories

Are you a showbiz fan na updated sa latest chika? Join the Anong Chika Today? Private page on Facebook for unli-chikahan!

Join Now
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results