Regine, binigyan ng mamahaling singsing ni Sharon; Zsa Zsa, nagtampo sa bagong ASAP?

NOEL FERRER: Very memorable ang unang pag-guest ng Megastar Sharon Cuneta sa concert ng Songbird Regine Velasquez na Regine at the Movies sa New Frontier Theater nitong Nobyembre 24, Sabado ng gabi.

View this post on Instagram

Sharon Cuneta and Regine Velasquez doing a duet of the song Bituing Walang Ningning. ?? #regineatthemovies

A post shared by New Frontier Theater (@newfrontiertheater) on

Kinanta nila ang medley ng "Pangarap Na Bituin" at "Bituing Walang Ningning" in full view of a packed theater, including celebrities like Richard Gomez with Lucy, Juliana, and Lucy’s parents; Jed Madela; Ogie Alcasid; and ABS-CBN bosses Laurenti Dyogi at Deo Endrinal.

Binigyan ni Sharon ng mamahaling singsing si Regine bilang remembrance ng unang pagsasama nila na ikina-overwhelm ng Songbird.

In-announce nilang may pagsasamahan silang projects sa 2019.

Sinabi rin ng Megastar na hindi siya magre-repeat ng My 40 Years na successful concert niya kundi magkakaroon siya ng Book 2 sa January 26.

Ang saya lang ng vibe at iba talaga ang pinagsamang lakas at kinang ng Megastar at Songbird! Wagi!!!

GORGY RULA: Ang saya!

Maraming aabangan sa kanila sa 2019.

Pero nitong Sabado rin sa malaking event ng Beautederm sa Clark Marriot Hotel, isang kaibigan ang nakausap ko na malapit kay Zsa Zsa Padilla.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW
 IMAGE Zsa Zsa Padilla Instagram

Sobrang sama ng loob niya na tila naging semi-regular na lang ang Divine Diva sa ASAP Natin ‘To.

Ramdam niya ang lungkot ni Zsa Zsa na wala siya sa bagong reformat na musical show ng ABS-CBN.

Tanging si Zsa Zsa lang ang nakakapit sa ASAP ng 23 years.

Sa dami ng pinagdaanan ng naturang show, si Zsa Zsa lang daw ang di bumitaw.

Ang mga kasabayan niya sa show gaya nina Martin Nievera, Gary Valenciano, at Kuh Ledesma ay nakatuntong sa stage ng SOP.

Si Zsa Zsa lang daw ang hindi. May mga nagsasabing, sana, ipinaglaban siya ni Regine.

JERRY OLEA: Paano ipaglalaban ni Regine si Zsa Zsa?

Sakop ba iyon ng “powers” niya?

Weather-weather lang iyan.

Pawang beterana na sa industriya sina Regine, Zsa Zsa, at Sharon.

Alam nila ang kalakaran.

Anong malay natin, baka dumating ang panahong magsanib-puwersa silang tatlo gaya ng Jukebox Queens na sina Imelda Papin, Claire dela Fuente, at Eva Eugenio?

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

NOEL FERRER: On the contrary, kaninang nagpalitan kami ng text ni Zsa Zsa bago silang nagtungo ni Conrad para mag-weekend sa kanilang farm ay ito ang sabi niya, “Kapatid, I have purged all hurt and I’m staying positive from now on!

“Thank you, as always, for listening. Love you!”

Meaning, oo, nasaling o nasaktan man siya sa naganap, pero she doesn’t harbor any ill feeling towards anyone—not Regine, not anyone.

Si Zsa Zsa pa na kaibigan ng lahat.

Hindi rin totoong hindi siya kasali sa reformat.

Kilinaro rin yun ng PR ng ABS-CBN.

In fact, kasama siya sa meeting ng bagong ASAP.

May hindi lang nangyari na nai-assign na sa kanya.

I’m sure may kalalagyan si Zsa Zsa sa network o kung hindi man, sa showbiz in general.

Again, si Zsa Zsa Padilla na premyadong singer at aktres pa ba?

 


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN

Close