Ang Pangarap Kong Holdap, dapat magpalit ng title para maipalabas sa mas maraming sinehan?

Ang Pangarap Kong Holdap, limitado ang sinehan dahil sa isyu ng theaters owners sa title ng pelikula
by PEP Troika
Nov 26, 2018

JERRY OLEA: Sa November 28, Wednesday, ang showing ng Ang Pangarap Kong Holdap

Pero as of November 25, Sunday, limang sinehan pa lang ang kumpirmadong pagpapalabasan ng comedy film na pinagbibidahan nina Pepe Herrera, Jerald Napoles, Jelson Bay, at Paolo Contis

 IMAGE @paolo_contis Instagram

Ang mga ito ay Gaisano Davao, Gaisano Tagum, Gaisano GenSan, Sta. Lucia East Grand Mall, at Greenhills Theater Mall.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Aprubado na sa Movie and Television Review and Classification Board (MTRCB) ang nasabing pelikulang binigyan ng R-16 rating.

Himutok ng producer na si Erwin Blanco sa Facebook noong November 24, Sabado, nahihirapang makakuha ng mga sinehan ang pelikula na sinasabing babago umano sa kasaysayan ng holdap.

Naghahatid daw kasi ng bad connotation sa publiko ang title nito.

Kung title lang ang problema, puwedeng palitan iyon. Puwedeng gawing Ang Pangarap Kong H or simply Pangarap Ko.

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

O kaya, APKH, acronyms na lang para safe. 

May movie titles na inayawan ng MTRCB noon, pero naipalabas din nang baguhin ang pamagat.

Sa kaso ng Ang Pangarap Kong Holdap, aprubado na ito sa MTRCB.

Ang may ayaw sa title nito, theater owners/distributors.

Kapag pinalitan ang title ng movie, papayag na kaya ang mga may-ari ng sinehan na ipalabas ito?

NOEL FERRER: Ang paggawa ng pelikula ay art at business din.

Kailangan na may kaalaman at kakayahan ang filmmakers at producers sa parehong aspeto—hindi lang sa sining, kundi pati na sa komersyo at kung paano ibenta ito sa audience.

Good luck na lang sa mga pelikulang katulad ng Ang Pangarap Kong Holdap.

GORGY RULA: Maaaring may problema ang distributor nito na hindi nailusot sa mga sinehan ang ganoong pelikula kahit hindi nila type ang title.

Kasi, sa una pa lang, alam nilang comedy ito at hindi kaseryo-seryoso.

Gustung-gusto pa naman ni Paolo Contis ang pelikulang ito.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Bukod sa nakakaaliw ang kuwento ng pelikula, nag-enjoy sila sa shooting, at napakabait daw ng producers.

Ang manager lang niyang si Manay Lolit Solis ang hindi masaya sa pelikulang ito dahil hindi niya type ang billing ni Paolo.

Pero ayaw ni Paolo na gawing isyu ang billing dahil okay lang sa kanya kahit saan ilagay ang pangalan niya.

Napakabait daw kasi ng producer nila, kaya naging kaibigan nila ito.

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results