Mayor Jay Khonghun, tanggap ng mga anak ni Aiko Melendez

by PEP Troika
Nov 26, 2018

JERRY OLEA: Tanggap si Subic Mayor Jay Khonghun ng mga anak ni Aiko Melendez.

“They’re very close with Mayor,” lahad ni Aiko nang makausap namin nitong Nobyembre 24, Sabado, sa Subic, Zambales.

Aiko Melendez and Mayor Jay Khonghun
 IMAGE Jerry Olea

“Especially si Andre, kasi lalaki. And then, he’s already 20. So... actually, minsan nga, nakakatampo.

Continue reading below ↓

“Kasi si Andre, yung problema niya, mas alam pa niyang [Mayor Jay] una than me.

"Kasi siguro, may mga bagay na mas comfortable siyang sabihin sa kanya than me,” pagturo ni Aiko sa katabing kasintahan.

“Si Marthena kasi, 12 years old pa lang. So, medyo shy-shy pa siya. Pero okey sila.”

Paliwanag ni Mayor Jay, “Kasi lalaki, siyempre mas mabilis siyang mag-open up pag lalaki rin ang kausap.

“There are certain things na hindi niya [Andre] kayang sabihin sa mommy niya when it comes to guy talk, di ba?”

Pagturo muli ni Aiko kay Mayor Jay, “Pinapadaan sa kanya.”

Si Andre ay anak ni Aiko sa first husband niyang si Jomari Yllana, habang si Marthena ay anak ng aktres sa kanyang second husband na si Martin Jickain.

Siyanga pala, tampok si Aiko sa MMFF 2018 entry ng Rainbow’s Sunset, kung saan ang papel niya ay mayor na isa sa tatlong anak nina Eddie Garcia at Gloria Romero.

Continue reading below ↓

NOEL FERRER: Nakasama ko for dinner kahapon ang kaibigan kong si Martin Jickain, na maligayang naayos ang buhay-pamilya.

Sincerely, he wishes Aiko well sa kanyang bagong love life—at sana raw ay ikasal na sila ni Mayor Jay kung tunay silang nagmamahalan.

Oo nga raw at medyo shy ang anak nila ni Aiko na si Marthena, pero Martin is looking forward to having Marthena during their family Christmas lunch, at sa Boracay after Christmas until New Year.

GORGY RULA: Ang dali na yata para sa kabataang millennials mag-adjust sa nangyayari sa pamilya nila kapag hiwalay ang kanilang magulang.

Sa last night ng wake ni Teejay Cruz noong Sabado, November 24, napansin ko ang closeness ng mga anak ni Sunshine kay Macky Mathay.

Nakikita kasi nilang masaya ang mommy nila sa bagong partner kaya sinusuportahan na nila ito.

Pero nabalitaan ko noon na hindi na naman daw okay sina Aiko at Jomari. Muntikan pa raw umabot sa demandahan.

Continue reading below ↓

Pero sana naayos na nila ito dahil pareho silang masaya sa kani-kanyang love life.

Read Next
Recommended Videos
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results