Ang Pangarap Kong Holdap, tuloy na ang showing sa Nov. 28

Ang Pangarap Kong Holdap, tuloy na ang showing sa Nov. 28
by PEP Troika
Nov 26, 2018

GORGY RULA: Graded B ng Cinema Evaluation Board (CEB) ang pelikulang Ang Pangarap Kong Holdap, na R-16 ang rating sa MTRCB.

Pero hanggang ngayon ay hindi pa nakakapag-decide ang producer at ang direktor nitong si Marius Talampas kung itutuloy nila ang showing sa Miyerkules, November 28.

Sinusubukan pa rin nilang pakiusapan ang SM Cinemas na bigyan ito ng mga sinehan.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Kung lima lang kasi ang maibigay na sinehan, pinag-iisipan nilang huwag na lang munang ituloy ang showing nito.

Hindi rin sila makapag-decide sa ngayon kung papalitan ang title ng pelikula, dahil gustong panindigan ng direktor na walang masamang ibig sabihin ang titulo nito.

Kakaibang comedy ito na kung mapanood lang sana nila ang kabuuan ng pelikula, maiintindihan kung bakit iyon ang naisip nilang title ng pelikula.

JERRY OLEA: Ang mga bida sa pelikulang Ang Pangarap Kong Holdap ay sina Pepe Herrera, Jerald Napoles, Jelson Bay, at Paolo Contis.

Nagbida na si Pepe sa pelikulang The Hopeful Romantic (na ang original title ay The Hopeless Romantic) katambal si Ritz Azul.

Nagbida si Jerald sa pelikulang The Write Moment katambal si Valeen Montenegro.

Nagbida si Paolo sa pelikulang Through Night and Day katambal si Alessandra de Rossi.

Si Jelson, wala siya sa diwa ko.

Kung papalitan ang title ng movie, madadagdagan ba ang mga sinehan nito?

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

Kung ipo-postpone ang showing nito, kailan pa sila makakakuha ng playdate?

Tuloy ang career ni Paolo sa TV at pelikula ano man ang kahinatnan ng Ang Pangarap Kong Holdap.

I wonder kung magbibida muli si Jelson sa pelikulang nangangarap maipalabas sa maraming sinehan.

Ang alam ko, mahigit 200 ang mga sinehan ng Three Words to Forever na mag-o-open sa Miyerkules, Nobyembre 28.

NOEL FERRER: Parehong Graded B ng CEB ang Ang Pangarap Kong Holdap at Three Words To Forever.

Aber, mapurbahan nga sa opening day nila sa Wednesday.

Good luck!!!

JERRY OLEA: Tuloy ang showing ng Ang Pangarap Kong Holdap sa November 28, Wednesday.

As of November 26, Monday, ay 31 na ang mga sinehan nito.

Hopefully, madadagdagan pa ang mga sinehan nito!

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓
Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results