JERRY OLEA: Pinirmahan ni Commissioner Jaime H. Morente ng Bureau of Immigration nitong Nobyembre 23, Biyernes, ang paglalagay sa Thai internet sensation na si Mader Sitang, aka Sitang Buathong, sa Blacklist ng ahensiya.
May remarks iyon na “undesirable alien."

Nakapirma rin sa nasabing order sina Arvin Cesar G. Santos (Chief, Legal Division) at Victor Andrew A. Siriban (Hearing Officer).
Pinadalhan ng kopya ng order ang Chiefs, POD, ARD, Intelligence Division, BINOC, Records Section, at MISD.
Post ni Mr. Gay World-Philippines 2009 Wilbert Tolentino (ex-manager ni Mader Sitang) nitong Nobyembre 26, Lunes ng gabi, sa Facebook:
“Maraming salamat sa pagbibigay ng karampatang aksyon laban kay Mader Sitang.
“We are thankful at nakita ng Bureau of Immigration na credible ang aking reklamo.
“We value this official pronouncement of the Bureau of Immigration for it stands for the legitimacy of our grievances.
“I am thanking my legal advisers for their tremendous support & The Philippine Embassy of Thailand who assisted us well.
“We see this as justice rightly served...”
NOEL FERRER: Sana, closure na ito ng makulay at masalimuot na issue involving Mader Sitang.
Paalala rin ito sa atin sa media para maging mas mapagkilatis at mapagmatyag—at hindi magpabulag sa hype at publicity na kaakibat ng gustong magka-15 minutes (or seconds?) of fame.
Sa tingin ninyo, maglalabas din kaya ng ganitong update, follow-up o paglilinaw man lang ang shows na nakinabang sa diumano’y popularidad ni Mader Sitang?
Abangan!
GORGY RULA: ‘Yan ang isa sa downside ng social media.
Sa totoo lang, ang isa sa nagpasikat kay Mader Sitang dito sa atin ay si Luis Manzano.
Ipinost niya halos lahat ng videos ni Mader Sitang sa kanyang Instagram account, na ikinatuwa ng Pinoy netizens.
Pinatulan natin dahil bentang-benta. Ayan tuloy ang napala ni Wilbert Tolentino!