JERRY OLEA: Glorious ang kissing scene nina Shido Roxas at Ross Pesigan (gumanap bilang young version nina Eddie Garcia at Tony Mabesa, respectively) sa Rainbow’s Sunset na official entry sa MMFF 2018.

Ilang seconds lang ang maalab nilang laplapan dahil rated PG ang naturang family drama, na idinirek ni Joel Lamangan.
Naglapat din ang mga labi nina Eddie at Tony pero smack lang.
Ayon kay Direk Joel, payag mag-torrid kissing sina Eddie at Tony, pero siya ang umayaw.

“Parang nahahalayan ako!” natatawang sambit ni Direk Joel bago ang press preview ng Rainbow’s Sunset nitong Nobyembre 27, Martes ng hapon, sa VIP Cinema ng Fisher Mall, Quezon Avenue, QC.
“Ikaw, makikita mo ang mga lolo mo, naggaganyanan... mate-take mo ba? O, di ba? Kaya sabi ko, ‘Ay, ano lang... smack lang.’”
Sa pag-aartista ni Direk Joel, payag siya sa torrid kissing scene—depende kung sino.
Kay Tony Labrusca?
“Ay, oo naman! Siyempre!” mabilis na tugon ni Direk Joel.

NOEL FERRER: Ang Rainbow’s Sunset ang isa sa mga must-watch films sa darating na Metro Manila Film Festival.
Lesson learned—don’t just market it to the LBTQ community kundi para sa buong pamilya.
Kasi, sa katunayan, kuwento ito ng pamilya, at ang mga desisyon at choices natin sa buhay.
Mabuting may magagandang reviews itong nakukuha agad para makahikayat ng viewers come opening day.
GORGY RULA: Ngayon pa lang ay hinuhulaan nang hahakot ng awards ang Rainbow’s Sunset na kinarir ni Direk Joel.
Masyado pang maaga para sabihin ‘yan dahil hindi pa natin napanood ang ibang entries sa MMFF 2018.
Pero parang ganun pa rin yata ang takbo ng MMFF ngayong taon.
Maglalaban-laban sa takilya ang pelikula nina Vice Ganda, Dingdong Dantes, and Richard Gutierrez sa pelikula nina Vic Sotto, Coco Martin, and Maine Mendoza.
Ang tipo ng Rainbow's Sunset ang hahakot ng awards, at merong isang pelikulang bubulaga sa takilya.