Daniel Padilla, Kathryn Bernardo super sweet and inseparable sa Three Words To Forever premiere

by PEP Troika
Nov 28, 2018

JERRY OLEA: Walang negative reaction ang KathNiel fans sa mga eksena nina Kathryn Bernardo at Tommy Esguerra sa pelikulang Three Words to Forever.

Super-palakpak ang fans nina Kathryn at Daniel Padilla (KathNiel) sa premiere night ng movie nitong Nobyembre 27, Martes, sa SM Megamall, Quezon City. 

Continue reading below ↓
 IMAGE CTTO via @kathniel.ford26 Instagram

Todo suporta rin si Daniel, na ang palayaw ay DJ, na dumalo sa event.

“Sinundo ni DJ si Kath sa house nila. Sa bahay kasi inayusan si Kath. Maaga pa lang ay nasa house na ni Kath si DJ. 

“Mula bahay hanggang sa red carpet, magkasama sina DJ at Kath,” kuwento ni Ogie Narvaez Rodriguez, manager ng KathNails salon and spa.

Pagdating ng KathNiel sa labas ng Cinema 1, naunang pumasok si Daniel sa loob ng sinehan at umupo sa designated seat nito.

May live interview kasi ang TV Patrol kina Kathryn, Sharon Cuneta, at Richard Gomez.

Matapos ang live interview, tinawag ang cast ng movie sa entablado na nasa labas ng Cinema 2. Magkakatabi roon ang tatlong bida.

Hindi nagtabi sina Tommy at Kathryn.

Ang katabi ni Tommy sa pagrampa sa red carpet ay si Joross Gamboa.

Sa panonood ng sine ay sina Shawie at Goma ang katabi ni Kath.

Continue reading below ↓

Siya nga pala, pupuntahan ni Kathryn ang ilang block screenings today ng Three Words to Forever.

Sasamahan kaya siya ni Daniel?

NOEL FERRER: Ang tanong ko nga sa Kathryn followers, ano ang mas kikita—ang Unofficially Yours na pinagbidahan nina Sharon, Robin Padilla, at love team nina Joshua Garcia at Julia Barretto (JoshLia), o ang Three Words To Forever na ang mga bida ay sina Sharon, Richard, at Kathryn?

With absolute confidence, ang sabi ng kaibigan nating fan ni Kathryn ay itong Three Words to Forever dahil current box office queen si Kathryn. 

Hindi siya basta papabayaan ng supporters nila—kaya todo sigasig si Kathryn sa block screenings! 

Excited akong mapanood ang pelikulang ito.

At dahil sa magagandang reaksyon ng viewers sa premiere kagabi, sana nga ay tumabo ito sa takilya at magbigay-sigla ito muli sa pelikulang Pilipino bago ang MMFF. 

Continue reading below ↓

JERRY OLEA: Maraming block screenings ang Three Words to Forever ang naka-schedule today and tomorrow, hindi lang sa Kamaynilaan kundi maging sa mga lalawigan.

Ang natitiyak na dadaluhan ni Kathryn ay ang 11:00 a.m. to 2:00 p.m. screening ngayong opening day sa Trinoma Mall sa Quezon City.

“Sa movie, super-applauded yung confrontation scene nina Sharon, Goma at Kath... panalo!” sabi pa ni Ogie Narvaez Rodriguez.

“Labanan ng aktingan! Iyakan to the max!”

GORGY RULA: Kung mag-hit man ang pelikulang ito, malaki talaga ang naitulong ng KathNiel fans na napakasipag mag-promote ng pelikula at mag-organize ng block screenings.

Kunsabagay, visible din naman si Sharon. Pero in fairness sa mga KathNiel, pati si Daniel Padilla, solid ang suporta nila sa pelikulang ito.

Ilang beses kong pinanood ang trailer, hindi ako gaanong na-excite.

Kaya kung mag-hit itong Three Words to Forever, malaki ang credit sa solid na suporta ng KathNiel at pati na rin si Daniel.

Continue reading below ↓
Read Next
Recommended Videos
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results