Marissa Sanchez, sold out na ang birthday concert; di pa rin tapos ang isyu sa dating asawa

by PEP Troika
Nov 28, 2018

JERRY OLEA: Sold out na ang birthday concert at 25th showbiz anniversary celebration ni Marissa Sanchez na gaganapin sa Nobyembre 30, Biyernes, 8 p.m., sa Historia Boutique & Bar.

Ubos na ang tickets na P500 ang halaga.

 IMAGE Marissa Sanchez Instagram

“Ayoko naman pong maging chopsuey tayo sa loob, na magkakapalit-palit na tayo ng mukha sa loob ng Historia,” post ni Marissa sa Facebook nitong Nobyembre 28, Miyerkules ng umaga.

Continue reading below ↓

300 lang ang capacity ng place. First come, 1st served basis!

Humingi ng paumanhin si Marissa sa mga nagme-message sa kanya na puro “seen” lang ang nasisilayan at hindi niya nasasagot.

Paliwanag niya, “Mukha lang po akong masungit pero ang totoo, TULALA lang ako! Sobrang toxic lang po talaga ng sitwasyon ko ngayon.

“Ganun po talaga ako, halos hindi po ako makausap before the show. Kasi, hindi po madali maging singer, komedyante, na nagmememorya pa, at maging INA.

“At lalong hindi po madali na may dinaramdam akong physical pain! Kayo na ang magkaroon ng FROZEN SHOULDER.

“Madaling sabihin, it’s all in my mind. Sana, maranasan n’yo para maintindihan n’yo.”

View this post on Instagram

Dun po sa mga nagagalit sa akin at nag me msg po sakin ng hindi mganda dahil d po ako nkakasagot, at puro “seen” lng po ang nasisilayan nyo, pasensya na po kyo hindi po sa hindi po ako namamansin. Mukha lng din po akong masungit pero ang totoo TULALA lng ako! Sobrang toxic lng po tlga ng sitwasyon ko ngyon, ganun po tlga ako , halos hindi po ako makausap bfore the show kse hindi po madali maging singer, komedyante, na nag meme-morya pa at maging INA at lalong hindi po madali na me dinaramdam akong physical pain! Kyo na magkaron ng FROZEN SHOULDER! Madaling sabhin it’s all n my mind. Sana maranasan nyo, para maintindihan nyo. At dun sa naghahanap pa po ng tikets wala na pong tikets SOLD OUT na po! Ayoko nman pong maging “Chopsuey” tyo sa loob, na magkakapalit palit na tyo ng mukha sa loob ng HISTORIA - 300 lng po capacity nung place. ( First come 1st serve po pala huh? ) Nalungkot pa’ko na hindi ko pa na promote yang lagay na yan. Maraming maraming salamat sayo Panginuon! Ipagdasal nyo na lng po ako na maging kalugod lugod po sa mga manunuod ang aking Palabas sa Nov 30! Maraming maraming Salamat JOLLY of FLY ACE CORP at sa napakahusay na Singer/Songwriter Mr. Jose Marie Chan sa pag sponsor po ng bday show ko na ito and 25th anniversary ko po sa industriya. Salamat po tlga sa TIWALA. Hayaan nyo nex tym malaki na po ang venue ko, dko po akalain kse na dadagsain po ako ng ganito, ng mga taong naniniwala po sa aking kakayahan! To God be the Glory! �???�?��?�???�???�???�???

A post shared by truly_marissa (@truly_marissa) on

NOEL FERRER: Kayang-kaya ‘yan ni Marissa Sanchez na laging laman ng posh hotels.

Isa sa bilib na bilib sa kanya ay si Tita Julie Yap-Daza.

Nakilala si Marissa bilang komedyante, pero at her very core is her talent for singing.

Continue reading below ↓

Kumusta ang love life ni Marissa? Kailan kaya magme-melt (aside from her frozen shoulder) ang kanyang frozen heart?

GORGY RULA: Nagsisipag na lang ngayon si Marissa kahit malungkot dahil hindi pa rin tapos ang isyu sa dating asawang nakasuhan.

Noong huling nakausap namin si Marissa, wala pa siyang balita kung nahanap na ang dating asawa na naisyuhan na ng warrant of arrest.

Maselan ang kasong kinasangkutan ng dating asawa kaya hindi ko maidetalye.

Iyon ang isa sa hinihingi ng singer-actress na makuha niya ang hustisya at managot ang dating asawa.

Thankful si Marissa dahil ang dami pa rin niyang kaibigang patuloy na tumutulong sa kanya.

Sana, makuha niya ang lahat na wish niya sa kanyang kaarawan.

Read Next
Read More Stories About
pep troika, Marissa Sanchez
Recommended Videos
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results