Sharon Cuneta at Richard Gomez, magka-holding hands kahit kasama ang kani-kanilang mga anak

IMAGE Jerry Olea


JERRY OLEA: Waley sina Lucy Torres-Gomez at Senador Kiko Pangilinan sa premiere night ng Three Words to Forever nitong Nobyembre 27, Martes, sa SM Megamall.

Direk Cathy Garcia-Molina, Sharon Cuneta, Kathryn Bernardo, & Richard Gomez
 IMAGE Jerry Olea

Ka-date ni Richard Gomez ang daughter na si Juliana, plus ang pamilya ni Lucy.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Kasama ni Sharon Cuneta ang daughter na si Frankie.

Chika-chika sina Frankie at Juliana.

Matapos ang screening ng movie, magkahawak-kamay sina Sharon at Goma paglabas ng sinehan, habang nakasunod sa kanila ang kani-kanyang anak.

Lumapit ang pamilya ni Lucy kina Shawie at Goma. Nakipag-chikahan sila kay Mega.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW
 IMAGE Jerry Olea

NOEL FERRER: Iba na ang sitwasyon nila sa tunay na buhay, at siguro na-redefine nina Sharon at Goma ang kanilang relasyon sa pelikulang ito.

“Our love will always be forever,” ang sabi ni Goma.

Pero obviously, nakapag-move on na sila sa kani-kaniyang buhay.

Pasa sa akin na anak-anakan nila, kasabay nila akong nakapag-move on—grounded at tanggap ang realidad na parang titulo ng mga pelikula nila: Minsan Minahal Kita, Walang Kapalit, Ngayon at Kailanman, Kapantay Ay Langit, Kahit Wala Ka Na.

At may Buy One, Take One pa... may Sharon-Goma na, may Kathryn pa! Saan ka pa?

See you sa mga sinehan!!!

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW
The cast and director of Three Words To Forever
 IMAGE Jerry Olea

GORGY RULA: Dadaluhan ko mamaya ang isang block screening sa Resorts World na in-organize ng isang mayamang fan ng tandem nina Sharon at Mayor Goma.

Bukod sa KathNiel, may ibang fans din pala nina Sharon Cuneta at Mayor Richard Gomez ang todo rin ang suporta, kaya ngayong first day pa lang, marami nang block screenings.

Nagsiksikan sila sa pagpapa-schedule ng block screening ngayong araw dahil kailangang bongga ang kita nito sa first day of showing.

Abangan natin ang box-office results na tinututukan ni Sir Noel Ferrer!


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN