Jake Zyrus, ayaw magbigay ng detalye tungkol sa engagement nila ng non-showbiz GF

IMAGE Jerry Olea


GORGY RULA: Ikakasal na pala si Jake Zyrus sa kanyang non-showbiz girlfriend na si Shyre Aquino, pero wala pa siyang ibinigay na detalye kung kailan at kung saan gagawin.

Matipid ang international singer sa pagsagot sa mga tanong namin tungkol sa balak na pagpapakasal.

Basta, next year daw ang civil wedding sa ibang bansa.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW
 IMAGE Jerry Olea

Ayaw ring sagutin ni Jake kung kailan siya nag-propose, basta engaged na raw sila.

Ang gusto lang daw nila ay dumaan sa seremonya para magkaroon ng assurance sa kanilang relasyon.

“Para sa akin kasi, sign lang na ano… just to let each other know that we’re for each other. I’m hers, she’s mine.

“Bata pa ako, yun ang pangarap ko na magkaroon ng family talaga. When I say family, hindi yung magkaanak agad-agad, ha?

“Yung you have someone in your life to spend the rest of your life with,” seryosong pahayag ni Jake sa presscon ng Frontrow Cares musicfest nitong Nobyembre 28, Miyerkules ng hapon, sa Luxent Hotel, Timog Avenue, QC.

Simpleng seremonya lang ang gusto niya.

Pinagpipiliian pa nila kung sa Amerika, Canada, Australia o sa kung anong bansang legal ang same-sex marriage.

Pero magkakaroon din sila ng konting selebrasyon dito sa atin kasama ang malalapit na kaibigan at kapamilya.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Nandiyan din ang plano na magkaroon ng baby, either surrogacy o adoption, pero sa ngayon ay gusto lang nilang i-enjoy ang buhay mag-asawa na matagal na niyang pinapangarap.

“Sabi ko, when we get married, we still wanna like have fun.

"We enjoy our lives together, as a married couple and at the same time as young people. That’s how we want it,” saad ni Jake.

Isa si Jake sa magpe-perform sa Frontrow Cares musicfest na gaganapin sa December 16 sa SM MoA Concert Grounds.

Ang lahat ng malilikom sa naturang concert ay mapupunta sa iba’t ibang charitable organizations, gaya ng Anawim at Bahay Aruga.

NOEL FERRER: Akala ko, engaged pa lang to get married... ikakasal na ba agad talaga?

Usually, ang kasal ang magiging daan upang maayos at mapaunlad ang buhay-pamilya.

We only hope for the best for Jake Zyrus — kahit nami-miss ko pa rin si Charice.

JERRY OLEA: Ampogi ni Jake Zyrus nang sumaglit siya sa presscon ng Frontrow Cares musicfest nitong Nobyembre 28, Miyerkules ng hapon, sa Luxent Hotel, Timog Avenue, QC.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Inspirado! Halatang in love!

Ang Frontrow Cares ay gaganapin sa Disyembre 16, Linggo, sa SM Mall of Asia Concert Grounds.

Touted as the biggest charity music festival of the year, maliban kay Jake Zyrus ay tampok dito sina Ely Buendia, Parokya ni Edgar, Billy Crawford, Gloc 9, Callalily, Andrew E, Spongecola, Sam Concepcion, Ex-Battalion, Chicser, DJ Ace Ramos, Luxze Stars, at iba pa.

4:30 p.m. ang umpisa ng programa. Malamang na abutin ng 12:00 MN ang performances. Ang kasiyahan ay posibleng hanggang 3:00 a.m..

Ang tiket ay P5,000 (VIP) at P1,500 (general admission). Available ang mga ito sa SM Tickets, telephone number (02) 470-2222.

Ang organizers ng musicfest na ito ay sina RS Francisco, Sam Versoza, at Stephen Cu.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW
Jake Zyrus and RS Francisco
 IMAGE Jerry Olea


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN