Male bikini contestant, nagladlad at nagwagi sa Miss Q&A ng It's Showtime

IMAGE Instagram


JERRY OLEA: Nabulabog ang local bikinilandia nang bumulaga si Asia Sophia Montenegro sa "Miss Q & A" ng It’s Showtime nitong Nobyembre 28, Miyerkules ng hapon, sa ABS-CBN.

There’s something about her Carla Abellana smile... her regal projection... the way she sashays and carries herself.

There’s something familiar about Asia Sophia...

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Anak-anakan ko siya!” pagmamalaki ng talent agent na si Ronald Mendoza Cristobal aka Unyang de Santa Maria.

Kaya pala!

Si Asia Sofia ay si Prince Mark Montenegro.

Napanood ko siya sa 3rd elimination round ng Last Man Standing 2018 noong Oktubre 19, Biyernes, sa One 690, Roces Avenue, Quezon City.

Bongga ang Felix Bakat ni Prince Mark! Dakilang lahi!

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Hindi ako nagulat na napasama siya sa Top 5 Ronald Mendoza Cristobal Collection Models noong gabing iyon.

Ibinigay ni Prince Mark ang kanyang the best sa grand finale noong Oktubre 26, Biyernes, sa One 690, ngunit napabilang siya sa Thank You Boys.

Pero nang sumalang si Prince Mark bilang Asia Sofia sa beklaban ng It’s Showtime... wagi ang sagot niya, kaya naagaw niya ang korona!

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW
 IMAGE Instagram

NOEL FERRER: Naku, ang saya-saya!

Sinu-sino pa kaya ang susunod na maglaladlad at magpapakita ng matapang nilang ebolusyon?

Sana, maliban sa pagsagot ng Q&A, maging magandang halimbawa ang kanilang buhay sa lipunang dinamiko, at patuloy na nagiging inclusive at mapagpalaya.

GORGY RULA: Malay natin, baka sumali pa rin ‘yan sa mga susunod na bikini contest kapag tapos na siya sa "Miss Q & A."

Sa totoo lang, raket lang talaga ‘yan!

Kung may napatunayan na sila sa bikini contests, susubukan din nila ang Miss Gay kung kakayanin.

Ang dami pa riyang kontesero sa bikini contests na itinatago ang totoong pagkatao, at puwedeng-puwedeng rumampa sa Miss Q & A.

Itong si Prince Mark lang ang matapang na lumantad!


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN