Bb. Pilipinas-Intercontinental 2018 Karen Gallman, ikakasal na sa 2020

IMAGE Gorgy Rula


GORGY RULA: Hindi pa man lumalaban si Bb. Pilipinas-Intercontinental 2018 Karen Galman sa Miss Intercontinental 2018 sa January 26 next year, in-announce na niyang sa taong 2020 na ang kasal nila ng Australian boyfriend niyang si Ian Garton.

 IMAGE Gorgy Rula

Tiniyak niyang hindi ito makakaapekto sa titulo niya at sa pagsali sa Miss Intercontinental.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Ani Karen, “The wedding would be around 2020 pa. So, win or lose it, would be 2020, so it’s a safe year. Matagal pa.”

Sure si Karen na hindi sagabal ang relasyon nila ng kanyang fiancé.

Buo ang suporta nito sa kanya, na isa pa ito sa nagkumbinsi sa kanyang sumali sa Binibining Pilipinas.

“Siya nga yung nag-push sa akin na mag-Binibini. He knows that it’s one of the things that I’ve been thinking about for six years.

“He’s the one who pushed me, na you have to do it if that’s what you want to do it.

"Kahit may plano na siya mag-propose, he’s still supporting me," dagdag na pahayag ni Karen.

View this post on Instagram

Sundowners by Camps Bay �???

A post shared by KAREN GALLMAN (@karen_gallman) on

Simula na ng paghahanda ng Miss Intercontinental na iprinodyus ng Miss Intercontinental-Japan.

Pinangunahan ito ng producer na si Kumi Miyamae na nandito na sa bansa para ayusin ang lahat na kailangang sa naturang beauty competition.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Nagkapirmahan na sila kahapon, November 27, sa Sofitel Philippine Plaza Hotel, dahil ito na ang magiging official residence ng 86 official candidates.

Nag-contract signing na rin sila sa LandCo Pacific Corporation, at kaninang hapon ay nakipagkita na sila sa 172 Pinoy designers na magbibihis sa mga kandidata.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW
Karen Gallman (extreme right) with Miss Intercontinental organizers
 IMAGE Gorgy Rula

JERRY OLEA: Ang ganda na ni Karen nang hawak pa siya ng controversial talent manager na si Lito de Guzman.

Ipinakita pa sa amin ni Lito ang photo shoot ni Karen about eight years ago.

Sabi ni Lito, sosyalin at talented si Karen, at lalo siyang magiging proud kapag nasungkit nito ang korona ng 47th Miss Intercontinental (na bagama’t sa Pilipinas gaganapin ay Japan ang host country).

Wala pang Pinay na nagwagi sa nasabing timpalak.

NOEL FERRER: Good luck, Karen, kahit hindi ako masyadong aware sa iyo at sa sasalihan mong kumpetisyon.

Malay mo, ikaw ang sugo ng kagandahan natin upang makilala pang lalo ang mga adhikain ng Miss Intercontinental.

And I, thank you!


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN