Pia, Vhong, Derek, James, Julia kabilang sa Walk of Fame inductees ngayong 2018

by PEP Troika
Nov 29, 2018

NOEL FERRER: Sampu lamang ang bagong inductees sa 13th Walk of Fame Philippines sa Eastwood ngayong taon.

Ito ang pinakakaunti sa mga naging inductees para mas maging intimate daw ang selebrasyon na gaganapin sa December 10, sabi ni Freddie Moreno, anak ni Kuya Germs na siyang may proyekto nito.

Continue reading below ↓
Pia Wurtzbach, James Reid, and Julia Barretto
 IMAGE Noel Orsal

Kabilang sa sampung inductees sina Marichu “Manay Ichu” Maceda (at ang kanyang amang si Dr. Jose Perez, na magiging magkatabi ang kanilang stars), Rico Hizon (of BBC), Direk Chito Roño, Vhong Navarro, Ken Chan, Derek Ramsay, at Pia Wurtzbach.

Kasama rin sa Magic 10 si James Reid pero hindi kasama si Nadine Lustre, at si Julia Barretto na walang Joshua Garcia dahil nahirapan daw ang WOF organizers na kumuha ng schedule sa kanila.

Congratulations sa bagong inductees!

JERRY OLEA: Noon, pagsapit ng Disyembre 1, nakagawian ni Kuya Germs na magpasimuno ng Christmas party sa local showbiz.

Later on, iyon ang naging petsa ng induction ng mga bituin sa Walk of Fame.

“Nabago” ang tradisyon sa pagtakbo ng panahon.

I just wonder... sasagutin na kaya ni Pia ang pang-uurirat sa kanya tungkol kina Bea Alonzo at Gerald Anderson?

O hindi na lang siya magpapainterbyu? At kung magpapainterbyu man, may tagaharang muli ng tanong?

Continue reading below ↓

GORGY RULA: Ay! Ngayon pa lang pala nabigyan ng ganung parangal si Doc Jose Perez!

Nauna pa pala sa kanya si Jacky Woo!

Subukan kaya nilang ialok uli kay Pia Magalona ang pagbibigay ng Walk of Fame kay Francis Magalona?

Baka tatanggapin na niya ito ngayon.

Read Next
Recommended Videos
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results