Joross Gamboa, agaw-eksena sa Three Words To Forever

Joross Gamboa, agaw-eksena sa Three Words To Forever
by PEP Troika
Nov 29, 2018

JERRY OLEA: Magkakasamang nagpalitrato sina Liza Lorena, Tommy Esguerra, at Joross Gamboa sa red carpet ng presscon ng Three Words to Forever noong Nobyembre 22 sa Dolphy Theater ng ABS-CBN Compound, Quezon City.

Joross Gamboa, Liza Lorena, and Tommy Esguerra
 IMAGE Noel Orsal

Ang hirit ni Joross sa co-stars, “O, gawin na natin yung Part 2 ng Glorious! Dalawa na yung partner, 'tapos si Tita Liza yung bida!”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Isa ‘yan sa mga bentang-benta na hirit ni Joross sa presscon pa lang.

Sabi tuloy ni Sharon Cuneta, tinawagan na niya ang producer ng next movie niya para isama sa cast si Joross.

Kaso, hindi pa ito tinatawagan ng produksiyon.

Birthday nina Joross at Direk Cathy Garcia-Molina noong opening day (Nobyembre 28, Miyerkules) ng Three Words to Forever, kaya sa premiere night ng movie noong Martes sa SM Megamall ay kinantahan sila at may pa-cake pa.

Agaw-eksena si Joross sa movie. Tawang-tawa ako nang kantahan niya sina Sharon at Richard Gomez ng "Balatkayo" at "Show Me A Smile."

 IMAGE Noel Orsal
CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

GORGY RULA: Marami ang natuwa sa performance ni Joross sa Three Words To Forever.

Sa block screening na dinaluhan ko sa Resorts World kagabi, November 28, narinig ko sa komento ng ilang nakapanood na si Joross daw ang nagdala ng pelikula.

Ang dami niya kasing mga nakaaaliw na eksena na tuwang-tuwa ang mga nanood.

Pero magkano po ba ang kinita sa first day of showing ng Three Words To Forever?

Almost P10M ba o P7M ang first-day gross?

Sana humataw pa ito sa weekend lalo na’t holiday bukas, November 30.

Pampamilya naman ang pelikula, e.

Yung dinaluhan kong block screening ay ini-sponsor ng bumubuo ng Eugenio Gojo Cruz Policarpio na ginawa nilang fund-raising event para sa kanilang scholars.

Yung mga ganung pelikula na pampamilya ang gusto nilang suportahan dahil may natututunan ang mga nakakapanood, lalo na ang mga mag-asawa.

Type na type nila si Joross dito dahil kahit may mga eksenang iyakan, ang naturang aktor ang nagpapatawa sa kanila.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

NOEL FERRER: As I told him during his birthday, I never had any problems with Joross as a talent.

He is such a joy to work with, walang reklamo, magaan, and always premium quality work.

Of course, given naman dapat na mahusay.

Marami tayong kilalang mahuhusay, pero kakaunti yung mahusay na ay mabait pa.

Kahapon ang 34th birthday ni Joross.

Kasama niya ang kanyang pamilya na na-miss talaga niya nang maglagare siya sa shooting ng Three Words To Forever at sa taping ng FPJ’s Ang Probinsyano. (Pati ayos ng buhok niya, na-confuse!)

Ngayon ang fourth anniversary nila ni Katz bilang mag-asawa at 10th bilang couple.

I can say that Joross is truly blessed.

Narating niya ang estado niya ngayon sa industriya because of excellence, goodwill at hardwork—walang tinatapakan, hindi naging madali, may naging padalus-dalos noong kabataan niya, pero ngayon, talagang proud ako sa kanya.

Sabi ni Sharon, sinuggest niya si Joross sa next project niya.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Ngayon, may mga tawag na rin para sa susunod pang projects.

This is really Joross’s time to shine—both in front and behind the cameras.

Proud of you, Joross!

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results