JERRY OLEA: Ginabayan si Asia Sophia Montenegro ng kanyang guardian angel.
Wagi muli ang "Bortang Bakla ng Navotas" sa Miss Q & A ng It’s Showtime nitong Nobyembre 29, Huwebes, sa ABS-CBN.
9.0 ang kanyang score, kontra sa 7.7 ni Manniekeen Palma.

Ariella Arida ang kanyang peg. Mahiwaga at kaaya-aya ang kanyang ngiti.
“Galing iyan sa kalungkutan. Kamamatay lang ng boyfriend niya bago mag-Undas,” sabi ng nanay-nanayan niyang talent agent na si Ronald Mendoza Cristobal.
Prince Mark Montenegro ang tunay na pangalan ni Asia Sophia.
Bongga ang Felix Bakat niya pag rumarampa bilang bikini hunk.

Halos apat na taon ang relasyon nila ni Mamuy aka Louie Kim, ang itinuturing niyang guardian angel.
Ika-23 kaarawan ni Mamuy noong Nobyembre 8, at noong araw na iyon ay umamot siya rito ng paggabay.
Shout out ni Prince Mark sa Facebook noong Nobyembre 12:
“Mukha lang akong ok. Pero kung nalalaman lang ‘yung tunay na nararamdaman ko, madalas akong pinapatay ng stress at kalungkutan.”
GORGY RULA: Magsisilbing inspirasyon ito sa mga hindi pa ladlad na gustung-gusto nang kumembot at makoronahan din.
Maganda itong kuwento ni Asia na pang-MMK, kaya sa tulong ng PEP.ph, lalo siyang pinapasikat at malamang na pahahabain pa siya sa It’s Showtime.
Nakakaloka lang at bentang-benta na talaga ang kabadingan sa noontime variety show, huh!
Kung may "Ms. Q & A" ang It’s Showtime, may "Backlash" naman ang Eat Bulaga! at ang gagaling ng mga beking kumakanta.
Pero bentang-benta ang mga nakakaaliw na ayos ni Paolo Ballesteros.
'Tapos, pinag-uusapan din ang bagong love life ni Paolo na proud pa siyang pinu-post ang regalong bulaklak sa kanya.
Ang saya ng mga beki!
Ay, siyanga pala! Sa December 8 ay sa bagong studio na ang Eat Bulaga! sa may Marcos Highway.
Ang bongga ng bagong studio nila na mas malaki sa kasalukuyang lugar nila sa Broadway Centrum.
NOEL FERRER: From Die Beautiful, nagkaroon ng Deadma Walking, 'tapos nandiyan ang Rainbow’s Sunset...
May namamatay na bading sa MMFF filmfest entries about kabadingan.
Pero tuwing nagaganap yun, a bading character rises.
Uso yun—from Paolo Ballesteros to EA Guzman to Eddie Garcia ba o Tony Mabesa this year?
Then sa TV rin, wagi ang kabadingan, na empowered at may degree of excellence!
Sana mapalawig pa ang respeto at pagpapahalaga sa kanila at sa lahat!!!