Three Words To Forever, di gaanong sinuportahan ng KathNiel fans?

IMAGE Star Cinema Twitter


JERRY OLEA: Lumipad sina Kathryn Bernardo at Daniel Padilla pa-Amerika noong Nobyembre 29, Huwebes.

 IMAGE Star Cinema Twitter

Kasama nilang umalis sina Tita Min Bernardo (ina ni Kathryn) at Dominic Roque (kaibigan ni Daniel).

Dadalo si Kathryn sa US premiere screening ng Three Words to Forever na nakatakda sa Disyembre 1, Sabado, sa Los Angeles, California.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

As of now, hindi pa namin nakukumpirma kung aabutin doon ng Pasko ang KathNiel.

Baka kasi umuwi sila sa Disyembre 11 para sumama sa Christmas special ng ABS-CBN.

NOEL FERRER: Inamin ng Star Cinema ang first-day gross ng Three Words To Forever na PHP6.5M, at umaasa itong makorner ang long weekend market na nakuha na ang mga 13th month pay.

Also, maganda na aktibo sila na mag-international screenings na dadaluhan ng mga artista.

May HK sina Goma, Joross, at Tommy; samantalang nakatoka sa ibang TFC destinations ang ibang cast members.

Nadagdagan muli ang mga sinehan ng Ang Pangarap Kong Holdap, pero malungkot pa rin ang resulta nito sa takilya.

Sana mag-improve pa ang box-office showing ng mga pelikula.

Nakakakaba tuloy sa MMFF at baka ito na ang epekto ng inflation.

GORGY RULA: Ang komento ng ilang KathNiel fans, hindi pa rin sila sanay na napa-partner si Kathryn sa iba.

May selos factor kay Tommy Esguerra.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Maaaring isa ito sa mga dahilan kung bakit di gaanong hit ang Three Words to Forever.

Sana makabawi at humataw na ito sa weekend.


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN