Jed Madela, nag-backout sa concert nila nina Lani, Jona, at Darren

IMAGE Smart Araneta Coliseum Instagram


NOEL FERRER: Dapat blind item ito, pero naglabas na ng statement ang pamunuan ni Jed Madela, through his manager Tita Annie Mercado, na kinailangan siyang mag-backout sa three provincial concerts na ACES slated for next year.

View this post on Instagram

Thank you @jedmadelaofficial for the beautiful night of music. Congratulations on your 15th Anniversary �??? #jedmadelaxv

A post shared by Smart Araneta Coliseum (@thearanetacoliseum) on

Dahil sa success ng Higher Than High, Jed had to attend to provincial roadshows and the U.S. tour of that concert instead of joining the group of Lani Misalucha, Jona, and Darren Espanto.

Sayang, ‘no, maganda sana yung combination na Junior-Senior.

So, paano na kaya—sino na ang magiging Senior kay Darren?

Oh well, baka blessing-in-disguise na rin ito para wala nang isyu kay Darren, tulad ng diumano’y ibinato sa kanya ni JK Labajo.

Well, it seems like Jed is beyond this!

JERRY OLEA: Pawang Kapamilya ang sangkot, kaya dapat lang na magbigayan sila at magkaunawaan.

Maraming pwedeng pumalit kay Jed sa ACES concerts sa Davao at Cebu. Halimbawa, si Erik Santos.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Pero ang wish ko na makasama riyan nina Lani, Jona, at Darren ay si JK.

Di ba?! Exciting kung magso-showdown sina JK at Darren!

GORGY RULA: Hindi naman siguro si Darren ang dahilan, di ba? Pero magandang kumbinasyon sana.

Dahil sa success ng huling concert ni Jed, lalo siyang naging hot at kailangang magtapon na sila ng ibang shows.

Ang isa pang resulta ng success ng concert, tumaas ang talent fee niya.

Ang hirap na siyang kunin lalo na sa out-of-town show kung hindi mo kaya ang budget.

Madugo!

Kung ano ang taas ng boses ni Jed, ganun din ang taas ng TF niya, huh!


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN