Isa pang Pinoy artist, makakasama sa UK production ng Hamilton


NOEL FERRER: Kung Best Actress sa UK Broadway World ang ating kababayan na si Rachelle Ann Go para sa kanyang role sa Hamilton, meron pang isang magandang balita na bubulaga sa atin soon!

Isa pang artistang Pilipino ang makakasama sa prestihiyoso at bestselling theater production na Hamilton sa UK!

As always, hindi pa puwedeng sabihin kung sino ang artistang ito, pero at least, dito ninyo unang nalaman sa PEP Troika, ha?!

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Meron kasing iba pang assignment ngayon ang artistang ito kaya busy pa siya.

Malaking karangalan ulit ‘yan para sa sa ating bansa!

GORGY RULA: Magaling naman kasi ang artistang ito kaya nang nakapasok siya sa West End, nakikita nang mabibigyan siya ng chance na masali sa iba pang stage musical gaya ng Hamilton.

Congratulations! At mukhang matatagalan pa siyang makabalik para kumanta sa musical show sa lupang hinirang.

Marami pa tayong magagaling performers na sana ay mabigyan ng break gaya ng singer na ito.

Ay! Nakita ko nga pala siya sa Christmas station ID ng malaking TV network na kuha sa bansang pinag-perform-an niya.

JERRY OLEA: Magandang balita ito para sa ating mga Pilipino, at para sa career ng kababayan nating artista.

PERO... paano na ang pinakamamahal niya?

Isasantabi niya ang pusong nananabik at naghihintay sa kanya.

Sakripisyo ang bayad sa tagumpay.


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN