Hindi KathNiel fans ang rason sa 6.5M ng Three Words to Forever sa opening day

Hindi KathNiel fans ang rason sa 6.5M ng Three Words to Forever sa opening day
by PEP Troika
Dec 1, 2018

JERRY OLEA: Hulyo 2018 pa lang e ramdam ko na ang lakas ng The Hows Of Us.

Hindi ako nagulat na naka-P39.5M ang huling KathNiel movie sa opening day nito noong Agosto 29. Masaya ako na tuluy-tuloy ang pagratsada ng movie nina Kathryn Bernardo at Daniel Padilla.

Nang mapanood ko ang trailer ng Three Words to Forever, kinabahan ako. Hindi ako na-impress.

Pakiwari ko, nasa trailer na ang sustansya ng istorya. Masyadong giveaway.

Pinagbibidahan nina Sharon Cuneta (middle) at Richard Gomez (left), kasama si Kathryn Bernardo, ang pelikulang Three Words to Forever.
 IMAGE Three Word to Forever, Sharon Cuneta, Richard Gomez
ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Kalagitnaan ng Nobyembre, nakarating sa akin ang agam-agam ng KathNiel fans na nakukulangan sila sa promo ng Three Words to Forever. Naghahanap sila ng mall tour.

Kahit iba, si Tommy Esguerra, ang katambal ni Kathryn sa movie, andiyan ang masigasig na KathNiel fans na nag-organize ng sandamukal na block screenings.

Kung naka-P6.5M lang sa opening day ang Three Words to Forever, UNFAIR na isisi iyon sa kanila. Hindi sila nagkulang ng suporta.

“Binoykot ng ibang moviegoers ang movie dahil sa pagsuporta ni Sharon Cuneta kay Duterte,” sabi ng isang kaibigan namin.

“Iyong mga anti-Duterte na nagboykot sa First Love nina Aga Muhlach at Bea Alonzo, binoykot din itong movie nina Sharon at Aga Muhlach.”

Totoo kaya iyon?

Petsa de peligro ang opening day ng Three Words to Forever.

Sabi-sabi, lumakas ang movie nitong holiday (Bonifacio Day, Friday). Tuluy-tuloy ang pa-block screenings ng KathNiel fans hanggang Sunday.

Napanood ko ang pelikula noong opening day sa TrinNoMa. Na-enjoy ko ang mga hirit dito ni Joross Gamboa, pero pakiwari ko ay minadali ang pelikula. Hindi natutukan masyado ang editing.

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

Paikut-ikot at paikit-ikit ang parallel na mga hanash ng tatlong magkakapareha. Nakakainip.

Nabugnot ako sa gimik na real-life couples. Nagpabagal iyon sa usad ng istorya.

GORGY RULA: Isiningit ang mga real-life couples sa pelikula bilang pandagdag sangkap para maka-relate ang mga manonood.

Base sa pagtatanong ko sa mga nanood sa block screening na ini-sponsor ng Eugenio Gojo Cruz Policarpio Memorial Foundation noong first day of showing nito, nakatulong iyon.

Pero agree ako sa obserbasyon ng ilang nakausap ko na tila minadali ang pelikula.

Maaring idinagdag nila yung interview sa real-life couples para pampahaba.

Ang isa sa obserbasyong nakuha ko, bakit daw hindi inayos ni Mayor Richard Gomez ang sarili nang ginawa ang pelikulang ito?

Ang inaasahan kasi ng fans ng actor/politician, yung dating mala-Adonis niyang look ang makikita.

May mga eksenang halata ang malaking tiyan ni Mayor Goma, at parang ngarag pa siya.

Sana pinaghandaan ni Mayor Goma ang katawan bago siya sumalang sa pelikulang ito.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Samantala, sumuporta ang KathNiel fans sa pelikulang ito para mapatunayang kaya ni Kathryn kahit wala ang ka-loveteam niyang si Daniel Padilla.

Pero maaring hindi ganun ka-solid dahil tiyak akong marami sa fans nila ang hindi pa handang mapanood na mag-isa si Kathryn o kahit si Daniel siguro.

NOEL FERRER: Ayon sa bagong post ni Sharon, tumaas daw nang quadruple ang box-office take ng pelikula nitong Nobyembre 30, Biyernes, Araw ni Bonifacio.

Good sign na paparami ang mga taong nanonood ng pelikulang Three Words To Forever.

Oo, naramdaman kong minadali ang pelikula. Pati promo niyon ay hindi nahinog at photo finished lamang.

And if films are supposed to tell a story thru visuals, medyo nadaldalan ako sa pelikula—to the point na nang ipikit ko ang mata ko sa parang pingpong na shots at coverage ng confrontation highlight ng mag-pamilyang Richard, Sharon, at Kathryn (na in fairness, pawang magagaling na mga aktor, ha), para akong nakikinig ng isang radio drama.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Oh well, I guess that was the best that they can come up with the very limited time.

Sana lang, may repeat audience pa ito—para makadagdag sa kita.

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results