JERRY OLEA: Huwag kayong magtaka kung makita ninyong may pin na red ribbon ang mga tao ngayong Disyembre 1, Sabado.
Today ang 30th World AIDS Day, na ang tema ay “Know your status.”
Ngayon din ang 3rd Bulacan Pride sa Guiguinto Municipal Athletic And Cultural Center.

Magsisimula ang parada at selebrasyon ngayong hapon, at may cash prizes para sa Mutya Ka ng Bulacan, Ginoong Mutya, Biggest Delegation at Best Contingent.
“HIV-AIDS is real!” naghuhumiyaw na Facebook post ni Ronald Mendoza Cristobal, talent coordinator at event organizer mula sa Santa Maria, Bulacan.
“Pangalawa na po ang ating bayan sa may pinakamataas na bilang ng HIV-AIDS sa ating lalawigan...
“Sa kada barrio po ng ating bayan ay may mga kabataang namatay na sa AIDS-related cases.
“Magtulung-tulong po tayo at makiisa sa pagsugpo sa sakit na ito!”
Kaya nanawagan si Ronald sa mga kababayan niya para lumahok sa 3rd Bulacan Pride, na meron ding Pride Forum at Gawad Bahaghari.
NOEL FERRER: Hudyat din ngayon ang bago kong sisimulang tradisyon—ang pagbubukas ng Christmas art exhibit na Work of Christmas sa Avellana Art Gallery (#2680 FB Harrison St. Pasay City).
The exhibit has paintings, sculptures, music, pottery, food, crafts, at marami pang iba na naghuhudyat ng Kapaskuhan.
Mamaya na rin ang Game 1 ng Battle of Katipunan ng UAAP Men’s Basketball between the UP Fighting Maroons at ang defending champion na Ateneo Blue Eagles.
Exciting long day today, ha!