Are you a showbiz fan na updated sa latest chika? Join the Anong Chika Today? Private page on Facebook for unli-chikahan!

Join Now

Never-been-kissed Henz Villaraiz bet magpaturo ng tamang paghalik kay Yam Concepcion

by PEP Troika
Dec 1, 2018

JERRY OLEA: Ang cute ni Henz Villaraiz, isa sa sampung students na tinuruan ni Beverly Salviejo sa unang performance workshop ng Ogie D Productions.

Lumabas siya bilang maangas na kaklase at kaibigan ni Tony Labrusca sa Cinemalaya 2018 entry na ML.

View this post on Instagram

"I'm just a dead man walking tonight" ð??? #youngblood ♦ï¸?

A post shared by Henz ð??¸ (@henzvillaraiz_) on

Mahaba ang hair doon ni Henz. Last month lang siya nagpagupit ng buhok.

Napanood ni Henz ang teaser ng digital movie na Glorious, at sinabihan niya si Tony, “Wow, dude! You’re evolving...in a good way!”

 IMAGE Jerry Olea
Continue reading below ↓

Hindi pa raw niya kaya yung ginawa ni Tony sa Glorious.

Nakangiti niyang pasubali nang makausap namin nitong Disyembre 1, Sabado, sa studio ni Ogie Diaz sa Sct. Madriñan St., Quezon City, “Maybe in three years... five years... when I’m 20+.”

Continue reading below ↓
Recommended Videos

Kulang pa ba siya sa experience para gawin ‘yon?

“Experience saka yung built ko. Kasi, si Tony is like...” pagmumuwestra niya nang pa-hunk.

Hmmn, hindi naman kailangan na hunky-hunky siya sa cougar-cub relationship.

“If ever po there’s an opportunity, I would do it. Pero like... I’m not yet ready for that po... I’m willing to do po yung medyo mellow... rom-com, mga gano’n po.”

Tawang-tawa si Henz nang uriratin namin kung magaling siyang humalik.

“Hindi ko po alam! Hahahaha! I’ve never had a girlfriend po... ever. Hahahaha! I don’t know!” halakhak ni Henz.

Five years siyang nag-aral sa Australia. Kulang pa rin siya sa experience at hindi natutong humalik doon?

Continue reading below ↓

Puwede naman siyang turuan ng kapartner niya, ah? 

Inusisa namin si Henz kung sino ang bet niyang maka-kissing scene at magturo sa kanya ng pakikipaghalikan.

Ang sagor nita, si Yam Concepcion, ang ambisyosang si Jade sa Kapamilya teleseryeng Halik.

“In a good way po ito, yung matututo ako... si Miss Yam po,” tila hiyang-hiya na pag-amin ng 19-anyos na baguhang aktor.

GORGY RULA: Magaling si Henz sa ML. Mas gusto ko siya sa long hair dahil mas may karakter.

Ang bongga pala ng pagsisimula ng December na nagpapa-acting workshop.

Ngayong araw nagsimula ang free acting workshop na binuo ni Derek Ransay at mag-asawang John Estrada at Priscilla Meirelles.

Nagsimula na rin kasi silang mag-ipon ng talents na ima-manage nila.

NOEL FERRER: Talent management ba is the way to go?

At least, hindi lang talaga dapat management—kundi development.

And leadership by example—you are your best talent dapat.

All of us, should be living proofs of excellence...and goodwill.

Continue reading below ↓

And I thank you!!!

Read Next
Latest Stories

Are you a showbiz fan na updated sa latest chika? Join the Anong Chika Today? Private page on Facebook for unli-chikahan!

Join Now
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results