Phase 1 ng 'Universal Studios' ng ABS-CBN sa Bulacan may dry run na sa December

by PEP Troika
Dec 2, 2018

GORGY RULA: Inaasahan na ngayong December ay magkakaroon na ng dry run sa bagong studio ng ABS-CBN 2 sa San Jose del Monte, Bulacan.

Ito ang isa sa mga ibinalita ng congresswoman ng lone district ng SJDM na si Cong. Rida Robes.

Nakausap namin si Cong. Robes sa radio program naming Showbiz Talk Ganern ng DZRH kagabi, November 30, at ibinalita niyang tapos na raw ang phase 1 ng bagong studio ng ABS-CBN 2 na tinatawag nilang Soundstage.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Dagdag na kuwento ni Cong. Robes, may 180 hectares na property ang ABS-CBN 2 sa SJDM. Ang apat na ektarya raw ay ginawa nang studio kung saan doon na raw gagawin ang lahat ng programa, taping, at activities ng Kapamilya network.

"It’s a one-stop shop for all the entertainers, mga kasamang artista na talagang hindi lang sila maghahanap ng television shooting na location, nandiyan na lahat.

"Yung phase 1, gawa na. Hindi naman sila makagawa lahat agad-agad, kasi napakamahal," bahagi ng kuwento sa amin ng representative ng SJDM, Bulacan.

Kaya ang bilis na rin daw ng pagtaas ng presyo ng lupa roon at ang dami nang negosyong nagsulputan dahil nga inaayos na ang paglipat doon ng Kapamilya network.

Pati ilang Kapamilya talents ay may nabili na rin daw na property roon. Ilan sa kanila ay sina Coco Martin at Angel Locsin.

Paano kung totohanin ni President Rodrigo Duterte na hindi niya papayagang makapag-renew ng franchise ang ABS-CBN 2?

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

Hindi raw masasagot ‘yan ni Cong. Robes para sa Kapamilya network. Pero ang pagkakaalam niya, hindi raw apektado itong bagong malaking studio.

"Actually, kasi yung sinasabi naman ng ating mahal na Pangulo is more on the franchise. It’s more of a franchise they’re talking about.

"Ito kasi, ibang line of business naman ito dito sa lungsod ng San Jose del Monte, it’s more of a theme park na studio…Yung Soundstage, parang Universal Studios, kung nakita niyo yun,” dagdag niyang pahayag.

Ngayon pa lang ay inaayos na raw nila ang buong San Jose del Monte, partikular ang mga kalye at drainage. Inaasahang matatapos na rin ang MRT 7, na ang huling istasyon ay ay ang SJDM.

Malaking bagay raw iyun para sa tuluy-tuloy na pag-unlad ng bayan.

JERRY OLEA: Bumisita ako sa Our Lady of Lourdes Grotto Shrine ng SJDM City a few months ago.

Maraming puno sa nasabing lungsod. Sariwang hangin ang nalanghap ko.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Sana, kahit fully operational na ang bagong studio roon ng Kapamilya Network ay mapangalagaan pa rin ang kalikasan at kapaligiran ng bayang iyon sa Bulacan.

Read Next
Read More Stories About
ABS CBN
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results