Kasal ni Aicelle Santos tuloy sa 2019 kahit busy pa sa West End

by PEP Troika
Dec 2, 2018

JERRY OLEA: Six days lang sa Pilipinas si Aicelle Santos nang surpresahin ang fiance na si Mark Zembrano.

Siyempre, may mga inayos sila para sa wedding nila next year.

"Kasi, ang hirap magplano pag hiwalay, e," sambit ni Mark nang mainterbyu namin nitong Disyembre 1, Sabado ng gabi sa opening ng The Work of Christmas exhibit sa Avellana Art Gallery, F. B. Harrison St., Pasay City.

"Siyempre, yung approval, first stop. Kailangan, yung ibang bagay, siya ang magsasabi. Mostly, actually, siya.

"Very minimal lang yung sa akin. So, ang hirap nung nandun siya..."

Nagvi-video call sila bago matulog si Aicelle, at in between shows nito sa Miss Saigon sa London.

"Nagtitiyagaan lang. Hahahaha," natatawang lahad ni Mark.

Continue reading below ↓
 IMAGE Jerry Olea/ @aicellesantos on Instagram

Abril 2019 ba ang kanilang kasal?

"Too soon! Too soon!" pagtanggi ni Mark.

"Kasi, ang uwi ni Aicelle e March pa. So, pag-uwi niya rito, saka pa lang kami makakapag-full blown na planning."

Basta, siniguro ni Mark na tuloy ang kasal nila ni Aicelle next year!

NOEL FERRER: I got talk to Aicelle last night, at grabe pala talaga ang communication nila ni Mark.

Kahit during the intermission ng Miss Saigon ay nagfe-Facetime sila. Grabe, sobrang in love. Nakakatuwa!

I’m just excited for their wedding and for what is in store for both of them—especially for Aicelle because a lot of great things may be waiting for her in the international theater world.

Ang saya lang!

GORGY RULA: Kung may susunod pang gagawin si Aicelle sa West End pagkatapos ng wedding, tanggap ni Mark na "hiwalay" sila uli dahil matagal na nilang napagkasunduan ito lalo na’t career sa theater ang nakataya.

Continue reading below ↓

Hindi pa masabi ni Mark kung may gagawin pa ba si Aicelle pagkatapos ng Miss Saigon, pero sakaling may bagong opportunity, nandiyan lang siya para sumuporta.

Kaya wala muna sa plano nila ang magka-baby. Nag-iingat silang hindi mabuntis si Aicelle.

"Hindi pa puwede, kasi, mahirap yung buntis na Gigi (karakter sa Miss Saigon), kasi, naka-two piece. Baka sapakin ako ni Cameron Mackintosh.

"Maingat kaming dalawa," natatawang pahayag ni Mark.

Pero paano kung hindi napigilan at mabuntis nga?

"Cross the bridge when we get there na lang. Kasi, mahirap talaga magplano, e.

"As of now, Miss Saigon muna.

"Ang goal ko is to support her until her contract is finished. Pag-uwi, plan for the wedding, and bahala na si Lord," saad ng sports reporter na magiging bahagi na rin sa isang sports channel.

Read Next
Recommended Videos
Trending on PEP.ph
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results