Aiko Melendez, malakas ang laban for Best Supporting Actress sa MMFF 2018

Aiko Melendez, malakas ang laban for Best Supporting Actress sa MMFF 2018
by PEP Troika
Dec 3, 2018

JERRY OLEA: Mala-Sara Duterte ang karakter ni Aiko Melendez sa Rainbow’s Sunset, isa sa walong official entries ng MMFF 2028.

 IMAGE Aiko Melendez Instagram

Sabi-sabi, mahigpit na makakalaban niya bilang best supporting actress ng December filmfest ang co-stars na sina Sunshine Dizon at Max Collins.

“Ay, praise God! Kung ano yung para sa amin, yun lang,” nakangiting sambit ni Aiko nang makausap namin nitong December 2, Sunday, sa Le Reve, Sgt. Esguerra St., QC.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

“Thank you. Extra na lang, bonus na yung award... Kung sino man ang manalo sa amin, siyempre masaya kami.

“Kung sakaling manalo ako, ide-dedicate ko iyon kay Sunshine.

“Kasi, hindi rin naman kami magiging ganoon ka-effective kung hindi rin kami nagbigayan ni Sunshine.

“So, I will offer the award to her and hindi kawalan sa akin kung matalo ako ni Sunshine, kasi magaling din naman talaga siya sa pelikulang ito.”

Hindi makakasama si Aiko sa MMFF 2018 Parade of Stars sa Disyembre 23 sa Parañaque.

Aalis sila kasintahang si Subic Mayor Jay Khonghun pa-Japan bilang birthday gift sa kanya.

Pero babalik din sila in time para magkasamang dumalo sa MMFF 2018 Gabi ng Parangal sa Disyembre 27 sa The Theater @ Solaire.

NOEL FERRER: Isa ang Rainbow’s Sunset sa mga must-watch na pelikula sa darating na Metro Manila Film Festival.

Pagbabalanse ng oras ang tema ng isang interview kay Aiko, na ang sabi ay sagrado ang Linggo bilang family time.

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

As in hindi raw siya tumatanggap ng trabaho ng Linggo o kung hindi mapipigilan ay isinasama niya sa commitment niya ang kanyang mga anak.

Sana rin, si Mayor Jay na ang makatuluyan niya bilang pag-aayos din ng lahat ng aspeto ng buhay niya.

GORGY RULA: Iyon din ang hiling ni Aiko na, sana, si Mayor Jay na ang kasama niya pagdating ng sunset ng buhay niya.

Nakikita kasi sa tao ‘yan, e.

Pagbaba ni Aiko papunta sa stage ng presscon kahapon, iba ang aura niya. Parang bumagets na ang saya-saya ng mukha.

Kaya sana, tuluy-tuloy na ang ganitong estado ng buhay niya na masaya lang sa personal at sa kanyang career.

Ang napansin ko lang, sa ama ng dalawang anak niya, mukhang okay sila ni Martin Jickain, pero kay Jomari Yllana ay mukhang hindi okay?

Hindi sila nag-uusap.

Ang dinig ko noon pa, muntik-muntikan na silang umabot sa demandahan. True kaya?

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓
Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results