Zsa Zsa Padilla, hindi bibitawan ng ASAP Natin 'To

NOEL FERRER: Hindi bibitawan ng ASAP Natin ‘To ang Divine Diva na si Zsa Zsa Padilla.

Bago siya sa Cebu noong long weekend para kumuha ng special training on farming, nakipag-meeting na ang ABS-CBN management kay Zsa Zsa.

Dito ay nilinaw na hindi tinatanggal ang singer-actress sa weekly musical-variety show.

IMAGE Mark Atienza

On rotation ang ibang artists doon at hahanapan sila ng markadong segment para sa ASAP Natin 'To.

Alam nating mahal talaga ni Zsa Zsa ang ASAP, na naging tahanan niya sa loob ng 20 years.

Naging poste siya ng programa since the years na nawala si Dayanara Torres at naging mainstay siya.

ASAP is still the premiere musical-variety platform ng ABS-CBN kaya kung singer ka, may value talaga (lalo na sa shows na pinu-promote mo) kung nasa ASAP ka.

The thing is, what’s going for Zsa Zsa is that she is not only an established singer-performer, but also a multi-awarded actress at mahal siya ng mga katrabaho niya, kaya in-assure siyang may lulugaran siya sa Kapamilya network.

At least, Zsa Zsa keeps her premium.

Excited akong mapanood ulit ang mahal kong kaibigang si Zsa Zsa sa ASAP sa pagsisimula ng Simbang Gabi.

JERRY OLEA: Nahilot ang tampong pururot ni Zsa Zsa.

Mabuti at nagkaliwanagan ang dalawang panig.

Dapat ayusin ang gusot at iwaksi ang negatron, lalo pa’t Kapaskuhan at malapit nang mag-umpisa ang bagong taon.

GORGY RULA: Nakakalungkot lang dahil hindi na si Zsa Zsa ang isa sa mga poste ng naturang Sunday musical-variety show.

Pero dapat mag-rate itong episode sa darating na Linggo, at baka mamaya sa kanya pa bumagsak ang sisi.

Nakakaloka lang kasi dahil kahit ano pa ang gawin nila, base sa AGB Nielsen ratings, natatalo pa rin sila ng Sunday PinaSaya na wala namang wawa ang pinaggagawa.

Ang hirap pulsuhan kung ano ang gusto ng mga tao para magpaaliw sa kanila.

 


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN