Life story ni Arnel Pineda, balak gawing Hollywood film

Life story ni Arnel Pineda, balak gawing Hollywood film
by PEP Troika
Dec 6, 2018
PHOTO/S: Arnel Pineda Instagram

GORGY RULA: Ilang kaibigan naming naka-base sa Amerika ang tuwang-tuwa sa balak ng Warner Bros. at ng direktor ng Crazy Rich Asians na si Jon M. Chu na isapelikula ang kuwento ng buhay ng kababayan nating Journey lead singer Arnel Pineda.

Pagkatapos ng box-office success ng Crazy Rich Asians at ng kuwento ng Queen’s lead vocalist Freddie Mercury sa pelikulang Bohemian Rhapsody, na-inspire silang gawin ang kuwento ni Arnel na nadiskubre sa YouTube at muling nagpabalik sa bandang Journey.

Bahagi ng news ni Mike Flemming, “Discovered on YouTube by Journey co-founder Neal Schon, who’d finally found the rare singer able to reliably replicate the soaring vocals of exited original lead singer Steve Perry, Pineda revived Journey and put the band back in stadiums once again.”

Sabi naman ni Direk Jon Chu sa isang interview sa kanya ng Deadline, “The success of Crazy Rich Asians has blown my mind and set me on a path to champion more unique inspirational stories that represent new perspectives from all around the world.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Ngayon pa lang ay pinag-uusapan na ng karamihang kababayan natin sa Amerika kung sino ang bagay na gumanap bilang si Arnel Pineda.

Sana raw, magpa-audition sila rito sa Pilipinas, at sumali si Mark Bautista dahil sa kanya raw nababagay ang naturang role.

 IMAGE Noel Orsal

Matatagalan pa naman ito dahil gagawin pa lang ang script, pero sana mag-ensayo na raw si Mark ng mga kanta ni Arnel sa Journey para kung sakaling magpatawag ng audition, handang-handa na ang isa sa main hosts ng Studio 7.

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

Puwede kaya pakitanong, Sir Noel, kay Mark kung interesado siyang mag-audition kung sakali?

NOEL FERRER: I’m sure, OK na OK kay Mark ang ganyang projects.

Pero ang alam kong gusto niya talagang gawin at tumutulong siya talagang madala rito ay ang Here Lies Love na napanood natin.

Kasi naman, kung napanood siya ng foreigners, bakit hindi siya mapapanood ng mga kababayan natin na siyang pinatutungkulan ng naturang dula?

But what I know is may re-run pa ang APO musical early part ng next year kaya busy pa si Mark, pati sa kanyang weekly show sa GMA na Studio 7.

JERRY OLEA: Mahabang proseso pa ang pagsasapelikula niyan.

OK sa akin kahit sino ang magbida bilang Arnel Pineda.

Ang importante, matuloy sana iyan.

Good luck!

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
PHOTO/S: Arnel Pineda Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results