Tirso Cruz III, balik-trabaho na kahit nagluluksa pa sa pagkamatay ng anak

GORGY RULA: “The show must go on,” pahayag ni Tirso Cruz III nang kinumusta siya ng ka-Troika na si Jerry Olea sa presscon ng MMFF 2018 entry na Jack Em Popoy: The Puliscredibles nitong Disyembre 6, Huwebes, sa Cities Events Place, Quezon City.

Bida sa pelikula sina Vic Sotto, Maine Mendoza, at Coco Martin.

IMAGE Noel Orsal

Hindi madali sa aktor na gawing normal ang takbo ng buhay pagkatapos pumanaw ng panganay niyang anak na si TJ Cruz.

Pero dapat isipin din daw ang responsibilidad sa mga manonood. Dapat hiwalay raw ito sa personal na pinagdadaanan.

Pahayag ni Tirso, “Dapat ihiwalay namin ang personal dun sa trabaho namin.

"Pag trabaho, trabaho. Yung personal will come later.

"Alam ko naman… pag nalaman nila na kapag may pinagdadaanan ang mga tao, nauunawaan nila yun.

"But of course, kami naman bilang mga artista, ang unang tungkulin namin at dapat ibigay, yung kung anong inaasahan ng mga tao.

"Gaya nga nito, ang pelikula namin nina Coco, Kapaskuhan, e.

"Dapat kasayahan, dapat maging maligaya ang lahat… Christmas comes once a year."

Dagdag pa niya, “Nagpapasalamat din ako sa mga natutunan ko sa mga magulang ko, at sa mga kapwa-artista ko na may pinagdadadaanan kang mabigat, sarilinin mo muna.

"Paglingkuran mo muna yung pinagkakautangan mo ng… utang na loob mo sa trabaho mo, sa tungkulin mo...

"And then, of course, hindi naman sa second place… and then yung personal mo, saka mo na lang ma-attend-an after the work."

NOEL FERRER: Bravo kay Tirso sa ganyang panuntunan sa buhay.

Sana’y lalo pa siyang pagpalain, after the loss of his son na talaga namang napakasakit.

Pero doble ang kayod at kita at saya na rin para kay Tirso dahil dalawa ang kanyang MMFF entries this year.

Aside from this Jack Em Popoy with Vic, Coco, and Maine ay kasali rin siya sa Rainbow’s Sunset with Eddie Garcia, Tony Mabesa, and Gloria Romero.

Nasa cast din siya ng Kapamilya teleseryeng The General’s Daughter with Angel Locsin and Albert Martinez.

Sana nga’y maging maligaya at mabunga ang Pasko ni Tirso.

JERRY OLEA: Ang pasakalye ko kay Kuya Pip bago ko siya kinumusta sa presscon, bilib ako sa kanya na sa kabila ng mga pinagdaanan niya these past months ay nanatili ang kanyang pagiging propesyunal.

Noong araw na pumanaw ang anak niyang si TJ, papunta na sana siya sa taping ng The General’s Daughter.

Mahal ni Kuya Pip ang kanyang trabaho, kaya minamahal at nirerespeto siya ng industriyang pinaglilingkuran niya.

 


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN