Newbie actor Shido Roxas, ipinagkibit-balikat ang pagkaka-link sa veteran actor na si Lloyd Samartino

JERRY OLEA: Glorious ang kissing scene nina Shido Roxas (as young Eddie Garcia) at Ross Pesigan (as young Tony Mabesa) sa family drama na Rainbow’s Sunset, na idinirek ni Joel Lamangan.

Nagpraktis ba silang maglaplapan?

“Hindi po! Ha! Ha! Ha! Ha!” napamulagat na bulalas ni Shido nang makapanayam ng PEP Troika nitong Disyembre 2, Linggo, sa Le Reve, Sgt. Esguerra St., QC.

Shido Roxas
IMAGE Jerry Olea

“Talagang tulala ako roon. Kasi, kinausap kami ni Direk, e... talagang yung mga mata ni Direk, nanlilisik.”

Sinabihan sila ni Direk Joel na kung gusto nilang minsan lang at huwag nang maulit ang take, itodo na nila ang laplapan.

Ayun na nga, nakapikit pa si Shido sa napaka-passionate na kissing scene nila ni Ross.

Sinabihan ni Shido si Ross na dapat tuyo ang lips nito sa halikan nila. Ang tanong naman ni Ross, ano ang limitation ni Shido?

Nilinaw ni Shido kung ano yung limitation na tinutukoy ng kapartner. Tugon ni Ross, kung gusto ni Shido na may tongue...

“Siyempre, wala!” sabi ni Shido.

Ginawa na nga nila ang eksena. Afterwards, tulaley si Shido. Kumustang kahalikan si Ross?

“Magaling po si Ross. I think nag-enjoy po siya. ‘Yun naman po ang sabi niya... nag-enjoy siya,” napangiting sambit ni Shido.

NOEL FERRER: Bukod sa kissing scene, sana’y kakitaan si Shido ng ibang kahusayan para magtagal siya sa industriya.

Si Ross, napatunayan na niyang may maturity at depth siya sa pag-arte dahil sa teatro siya nahasa.

Sana sa proyektong ito, tuluyan nang makawala si Ross sa masaklap na tanikala ng kanyang love life na may nagtatalong mga babae sa katauhan nina Angeli Bayani at Elora Españo.

GORGY RULA: Sabi ni Shido, first male kiss daw itong ginawa niya sa Rainbow’s Sunset.

Si Ross naman ay ilang beses na niyang nagawa iyon sa theater at indie films.

Hindi lang naiwasan ni Shido ang intriga dahil sa closeness niya kay Lloyd Samartino.

Maaaring naging close sila dahil nasa iisang management agency lang sila ni Leo Dominguez.

Aware si Shido na naiintriga sila ni Lloyd, pero sinabihan siya ng betrranong aktor na huwag nang pansin iyon.

“Hindi namin siya pinag-usapan.

“Sinasabi ko po sa kanya. Just shrug it off, sabi niya sa akin,” pahayag ni Shido kaugnay sa intriga sa kanila ni Lloyd.

 


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN