NOEL FERRER: Hilaw pa at parang pilit ang kinalabasan ng pelikulang Kahit Ayaw Mo Na nina Empress Schuck, Andrea Brillantes, and Kristel Fulgar with Daniel Matsunaga, Desiree del Valle, Neil Coleta, at marami pang iba.
Parang dumaan lang at hindi nagmarka ang pelikulang hindi man lang umabot sa P300K ang first day gross sa takilya.

Ito na ba ang effect ng inflation sa pagbaba ng bilang ng mga nagpupunta sa mga sinehan ngayon o sadyang hindi na yun priority dahil mas inaatupag na ng ating mga kababayan ang Christmas shopping?
So, ang ibig sabihin, wala talagang box-office clout ang mga tampok na stars ng pelikula?
What’s the next step for them kaya?
JERRY OLEA: Inayawan ng moviegoers ang SUMMER movie na iyan. Hindi bagay sa Kapaskuhan ang istorya.
Inayawan ng entertainment press ang premiere night niyan last Tuesday, December 4, dahil kasabay ng Fantastica mediacon at Kapuso Xmas party kung saan parehong may mga pa-raffle.
Inayawan din ng paborito kong kritiko ang pagkagawa ng pelikula.
Bakit kasi gumamit pa ng AYAW sa title?
GORGY RULA: Hindi natin namalayan na may ganun palang pelikula.
Mukha namang marami pang pelikulang gagawin ang Viva.
Kahit hindi ito kumita sa takilya, mukhang kikita pa rin ang Viva.
May TV rights, video rights, digital, at may ilan pang puwedeng pagbentahan ang Viva.
Kaya tingin ko, hindi pa rin sila lugi. Hindi nga lang nakakatulong sa mga artista nila.
Abangan na lang natin sa darating na MMFF kung dito lang sa Aurora ni Anne Curtis sila makabawi, at siyempre, kapag may Vice Ganda movie, involved din diyan ang Viva.