Signal Rock, ligwak ganern sa Best Foreign Language category ng Golden Globes

by PEP Troika
Dec 7, 2018

JERRY OLEA: Ligwak ganern ang Signal Rock (idinirek ni Chito Roño, pinagbidahan ni Christian Bables) sa 76th Golden Globe Awards, na gaganapin sa Enero 6, 2019 sa The Beverly Hilton, Beverly Hills, California.

Signal Rock

Ang mga nominado sa kategoryang best foreign language film ng 76th Golden Globes ay Capernaum (Lebanon), Girl (Belgium), Never Look Away (Germany), Roma (Mexico), at Shoplifters (Japan).

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Anim ang nominasyon ng pelikulang Vice, samantalang tiglilima ang A Star Is Born, The Favourite, at Green Book.

Ang A Star Is Born ay nominadong best picture-drama, sa halip na best picture-comedy or musical, kaya ang dalawang bida rito ay sa acting-drama nominado.

Nominadong best actor-drama sina Bradley Cooper (A Star Is Born), Willem Dafoe (At Eternity’s Gate), Lucas Hedges (Boy Erased), Rami Malek (Bohemian Rhapsody), at John David Washington (BlacKkKlansman).

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

Nominadong best actress-drama sina Glenn Close (The Wife), Lady Gaga (A Star Is Born), Nicole Kidman (Destroyer), Melissa McCarthy (Can You Ever Forgive Me?), at Rosamund Pike (A Private War).

Dalawa ang nominasyon ng Crazy Rich Asians—best picture-comedy or musical, at best actress in musical or comedy (Constance Wu).

NOEL FERRER: Paano ba yun, Tito Jerry, kung ligwak na sa Golden Globes, malabo na bang mag-Oscars?

Ang tanong ko, nagsimula na bang magparamdam at mangampanya ang Signal Rock abroad?

Gagastos ba ang distributor niyang Regal at may tulong ba ang gobyerno natin para paingayin pa ang kampanya sa pelikula para mapansin ito?

Until mangyari iyan ay mananatili tayong ligwak-ganern.

Concerted effort kasi dapat ‘yan. Sayang naman!

JERRY OLEA: 87 pelikula ang tinanggap ng Academy para sa 91st Oscars.

Iyang limang banyagang pelikula na pasok sa banga ng 76th Globes eh isinumite rin para sa Oscars, gaya ng Signal Rock.

Itong Signal Rock ang ika-30 pelikula na ipinadala ng Pilipinas sa Oscars.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Wala pa tayong pelikula na na-nominate, o kahit na-shortlist man lang sa best foreign-language film category.

Hanggang Disyembre 10, Lunes, ang official Academy screenings kaugnay rito.

Kapagkuwan ay ihahayag ngayong buwan ang 9 foreign films na pasok sa shortlist.

Doon pipiliin ang limang mano-nominate, na ia-announce sa Enero 22, 2019.

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results