GORGY RULA: Nasa hospital kaninang umaga si Mother Lily Monteverde nang nakausap namin pagkatapos niyang marinig ang balitang acquitted si dating Senator Bong Revilla Jr.

Nagpa-CT Scan lang siya, pero kailangan pa niyang magpahinga ng ilang oras kaya hindi niya mapuntahan si Bong.
Gustung-gusto sana niyang pumunta ng Sandiganbayan, pero matagal na siyang naka-schedule sa hospital.
Nagpadala si Mother Lily ng mensahe through text na sana raw ay makarating kay Bong.
Ito ang nilalaman ng mensahe ni Mother Lily kay Bong:
“My dear Bong, I know deep in my heart that you are innocent and, praise God, I was very happy that the court has cleared your good name and that of your family.
"I believe that nobody and nothing can put a good man down. You are a good man inside and out, you are my idol and my hero.
"I embrace you back to the free world. I will host a big welcome-back/welcome-home party for you and Lani. I LOVE YOU, my anak!!!"
Kanina lang ay ipinarating na namin kay Mayor Lani Mercado-Revilla ang ihahandang party ni Mother Lily para kay Bong.
Sa ngayon ay marami pa silang aayusin para makuha na ni Bong ang kanyang release order.
Kailangang makauwi raw siya ngayong araw sa Cavite para mayakap niya ang ama at makita ang mga kababayan sa Cavite na naghihintay sa kanyang pagbabalik.
NOEL FERRER: Apat na taon din itong hinintay.
And if there’s anything, it reflects the state of our justice system.
Weather-weather lang talaga.
Noong huling makausap ko si Bong, ang sabi niya, babalikan at pagtutuunan muna niya ng pansin ang kanyang pamilya... at ang pelikula sana. Wala na munang politika sana.
Pero naiba agad ang ihip ng hangin.
Tingnan natin kung saan hahantong ang bagong weather/panahon na ito sa buhay ng mga Revilla.
Maagang Maligayang Pasko po sa inyo!
JERRY OLEA: Malayang Pasko, Bong Revilla!
Ang pagbating ito ay para rin sa lahat ng nagmamahal at nagmamalasakit sa kanya.
Nalagpasan niya ang matinding pagsubok na lalong nagpatatag sa kanyang pagkatao.
Pagsubok din ito para malaman kung sinu-sino ang mga tunay niyang kaibigan, ang mga taong hindi siya iniwan noong siya ay nasa kulungan.
Sa kabila ng mga pasakit ay may mga aral siyang natutunan, at babaunin niya ang mga iyon sa mga bagong kabanata ng pakikipagsapalaran niya sa buhay.
Muli, ang aking pagbati... Malayang Pasko!