Eat Bulaga, pasabog agad ang unang show sa bagong studio

by PEP Troika
Dec 7, 2018
PHOTO/S: Eat Bulaga! Facebook

GORGY RULA: Ayaw nang idetalye ni Mr. Tony Tuviera kung gaano kalaki ang bagong studio ng Eat Bulaga!, pero sinabi niyang mas malaki ito sa dating pinagtatanghalan nila sa Broadway Centrum, Quezon City.

Bukas, December 8, ay nasa bagong studio na ang Eat Bulaga! sa may Marcos Highway, Cainta, Rizal.

Live na mapapanood ang first episode nila sa bagong studio.

Continue reading below ↓
 IMAGE Eat Bulaga! Facebook

Nakausap saglit ng PEP Troika si Mr. T sa mediacon ng MMFF 2018 entry na Jack Em Popoy: The Puliscredibles kahapon, December 6.

Sinabi niyang pinaghahandaan na ng buong Dabarkads ang show nila sa bagong studio bukas.

Nang nakausap naman namin si Alden Richards sa isang fiesta sa Palayan City, Nueva Ecija, noong Miyerkules ng gabi, December 5, sinabi niyang buong araw silang magre-rehearse dahil kailangang pasabog ang kanilang first show sa bagong studio.

“Opening pa lang po, mahaba na, e. Pinaghandaan talaga namin, kaya buong araw sa Friday kami magri-rehearse,” pahayag ni Alden.

Bukod sa studio ng Eat Bulaga!, mayroon pang isang maliit na studio na gagamitin din ng Kapuso noontime show.

Ang isa sa tinatanong namin: Broadway Boys pa rin kaya ang tawag sa singing group na magagaling na bagets ng Eat Bulaga! kahit wala na sila sa Broadway?

JERRY OLEA: Exciting ang mga ganitong pagbabago.

Ang ASAP, na institusyon na tuwing Linggo ng tanghali, ay nag-reformat, at mas exciting ang salpukan nila ng Sunday PINASaya.

Continue reading below ↓

Ang Eat Bulaga!, na institusyon na mula Lunes hanggang Sabado ng tanghali, may bago at mas bonggang tahanan, kaya may mga pagbabago ring ihahain sa televiewers.

Sa paglipat sa bagong tahanan ng Eat Bulaga! bukas, iyon na rin ba ang payanig na paglulunsad ng promo ng Jack Em Popoy: The Puliscredibles?

Payagan kaya ng ABS-CBN na mag-promote na riyan si Coco Martin?

E, si Dingdong Dantes, kailan natin masisilayan sa It’s Showtime para sa promo ng Fantastica?

NOEL FERRER: Dati ay sinasabi nilang jinx ang studio na iyan sa Cainta.

Remember, diyan dati ginawa ang last few episodes ng Game Ka Na Ba? at diyan din ginaganap ang dating shows ng TV5?

Pero siguradong ang Eat Bulaga! na ang babago sa pananaw na ito dahil kung saan man namamahay ang Bulaga! ay yumayabong at tumatagal!

‘Yan ang institusyon!

Read Next
Recommended Videos
Trending on PEP.ph
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
PHOTO/S: Eat Bulaga! Facebook
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results