Joanna Ampil: from MMFF best actress to MMFF juror

by PEP Troika
Dec 8, 2018
PHOTO/S: Noel Ferrer

NOEL FERRER: Ang sabi ng bagong alaga naming si Joanna Ampil, “The perks of being an actor! I’ve channeled several characters this week alone, from Jenna-Fantine-Sita-Elphaba-Elsa-Narcisa! How much fun is this life??? And the week hasn’t even ended yet! #actorslife #theatre #film #stage”

Nagtapos ang successful run ng musical play na Waitress with an SRO crowd with glowing reviews last Sunday, December 2.

'Tapos, sumabak siya agad sa Songs From The Stage na isang bonggang corporate show where she got to perform the major characters in Broadway productions.

'Tapos ngayon, nasa Bulacan siya para sa shooting siya ng Ang Babae Sa Septic Tank 3: The Real Untold Story of Josephine Bracken—kung saan direktor ang karakter ni Eugene Domingo, and Joanna as herself.

Continue reading below ↓
 IMAGE Noel Ferrer

Kasama niya ngayon si Mylene Dizon at ang aktor na ring si Direk Joey Reyes.

Ang saya lang, di ba? The winningest best actress this year because of Larawan is really making her mark!

 IMAGE Noel Ferrer

JERRY OLEA: Hurado si Joanna sa MMFF 2018, di ba?! Ganun din sina Christopher de Leon at Gina Alajar.

Continue reading below ↓

Hindi matatawaran ang husay, kaalaman at karanasan nila sa entertainment industry, kaya mas magpapaningning sila sa December filmfest.

Exciting din na si Direk Joey Reyes ang bagong karibal ni Direk Joel Lamangan sa aktingan!

“Bongga! Bongga si Gunding!” palatak ni Direk Joel, na ang obrang Rainbow’s Sunset ay isa sa walong official entries ng MMFF 2018.

“OK siya, oo. Bongga yun. I’m so happy na meron siyang bagong career.”

Naidirek ni Direk Joey (alias Gunding) si Direk Joel sa Working Girls (2010).

Bet ni Direk Joel na idirek si Direk Joey. Anong role ang gusto niyang ibigay rito?

“Pag-uusapan namin kung ano ang kaya niya,” matamis na pagngiti ni Direk Joel.

Bet ba niyang paghubarin si Direk Joey gaya ng ginawa niya sa School Service?

“Magagalit sa akin ang Reyes Family pag ginawa ko yun! Ha! Ha! Ha! Ha! Ha!” halakhak ni Direk Joel.

Continue reading below ↓

Sa mga kumukumbinsing balahurain niya si Direk Joey pag idinirek niya, ang sey ni Direk Joel, “Huwag! Kaibigan ko yun! Oy, ano yun! Propesora yun, huwag mong gagawing ganun...

“Baka hindi na siya paniwalaan.”

E, nagturo rin naman si Direk Joel, ah?!

“Ay! Hindi naman ako ganun kadaming turo! Konti lang.

"Siya ay doon na talaga naka-base sa Benilde,” lahad pa ni Direk Joel.

GORGY RULA: Napaarko nang slight (slight lang naman, Sir Noel) ang aming kilay, bakit judge na agad si Joanna, gayong once pa lang siya sumali at nanalo sa MMFF?

Mukhang salat pa siya sa karanasan sa mga ganoong filmfest.

Naimbitahan kayang mag-judge si Nora Aunor? Mas may “K” siya!

Siguro, dapat gumawa pa si Joanna ng mga pelikula dahil hindi rin siya maituturing na film observer or analyst.

Read Next
Recommended Videos
Trending on PEP.ph
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
PHOTO/S: Noel Ferrer
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results