Joel Lamangan, aminadong talo talaga ng Halik ang Pamilya Roces

JERRY OLEA: Pasabog ang mga kaganapan sa huling linggo ng Kapuso teledramang Pamilya Roces.

“Naku, lahat sila, ibibitay!” nakangiting bulalas ni Direk Joel Lamangan nang makausap namin nitong Disyembre 8, Sabado, sa Salu restaurant, QC.

IMAGE Noel Orsal

“Si Katrina [Halili], kinuha lahat yung magkakapatid at ang mga Roces na babae, ibibitay sana. Nakakalokah!”

Puring-puri ni Direk Joel si Katrina.

“Ang husay-husay ni Katrina,” sambit ni Direk Joel. “She’s a good actress. Alam mo, wala yung ere. Wala!

“Kahit anong ipagawa mo... ‘Kailangang maghubad-hubad ka rito! Labanan natin yung kabila! Ipakita natin ang panty at bra!’ ‘OK, direk!’

“Ipinakita niya ang panty at bra niya. Hubad-hubad siya. Wala siyang eklay.

“Ginawa niya kahit ano! Napakahusay niya!”

IMAGE Gorgy Rula

Ipinasok lang ba si Katrina o part talaga siya ng istorya?

“Part talaga siya ng istorya. Kaya lang, pinabilis na lang agad. Kasi nga, tatapusin na,” pahayag ni Direk Joel.

“Pero naka-design talaga siya, 10 weeks. Kapag sa 10 weeks, hindi nag-rate, cut short.

“Naka-design talaga siya na 10, kaya 10 na lang kami. Kasi, talo kami ng Halik.

“Noong una, mahina ang Halik. Kalaban niya, Inday (Will Always Love You). Ang Inday ang mataas noon.

“Nang pumasok na kami, nagha-heighten na sila, kami naman ngayon ang nag-suffer.”

NOEL FERRER: Sayang naman. Ito pa naman ang unang project ni Jasmine Curtis-Smith sa GMA-7.

IMAGE Noel Orsal

Nagulat lang ako nang sabihin ito sa amin sa radyo mismo ni Direk Joel Lamangan nitong Saturday night—dahil wala usually nagtatapos na teleserye nang Disyembre.

Ang palitan ng programa ay nangyayari tuwing Enero o Pebrero.

Hindi man lang iyon ipinaabot nang 13 weeks na normal run ng isang serye. Paano na ang premium ng stars nito like Carla Abellana, Rocco Nacino, Gabbi Garcia at Christian Bautista? Maligaya kaya ang Pasko nila at ng staff?

GORGY RULA: Hindi lang si Katrina ang puring-puri ni Direk Joel dito sa Pamilya Roces, kundi pati si Sophie Albert.

IMAGE Noel Orsal

“Wala siyang arte. Wala siyang pakialam. Mahusay siya,” sunud-sunod na papuri ni Direk Joel sa dating Kapatid star.

Ang nakakatuwa dito sa Pamilya Roces, nag-bonding talaga lahat ang mga artista.

Naging close halos lahat sa kanila, kaya excited silang pumasok sa taping.

Naging close dito sina Gabbi Garcia at Jasmine Curtis-Smith. Lumalabas sila minsan kasama ang kani-kanyang boyfriend.

Pero sino kayang aktres na kasali rito sa Pamilya Roces na pagkatapos na pagkatapos daw ng taping ay tatawid na siya agad sa Los Bastardos?

Bongga ang aktres na ito na hindi nawawalan ng raket, huh!

 


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN