Jay Manalo, may 12 anak sa anim na babae at may dalawa nang apo

by PEP Troika
Dec 9, 2018
PHOTO/S: Jerry Olea

JERRY OLEA: OK lang sa 45-year-old actor na si Jay Manalo na tawagin siyang lolo.

Sa totoong buhay ay dalawa na ang mga apo niya sa kanyang pinakapanganay.

 IMAGE Jerry Olea

Ano ang feeling ng lolo?

“Wala. Parang tatay lang din!” natatawang pakli ni Jay nang mainterbyu namin sa storycon ng indie movie na Burak nitong nakaraang Sabado, Disyembre 8, sa Salu restaurant, Quezon City.

Continue reading below ↓

“Same lang naman yun, as long as kaya mong alagaan, panindigan.

“Actually, hindi ko masyadong nakakasama ang mga apo ko.

“Lulutang lang 'yan, lilitaw lang 'yan pag Pasko. Hahahaha!”

OK lang din kay Jay kahit ano ang itawag sa kanya ng mga apo.

“Puwedeng 'Papu.'

“Pero pag sa labas, puwede bang huwag ‘Lolo?' Hahaha!”

Labindalawa ang mga anak ni Jay sa anim na babae.

“Wala na, stop na tayo doon. Nag-stick na ako sa wife ko,” pangiti-ngiting sambit ni Jay.

Mas matanda pa ang unang apo ni Jay kesa sa bunso niyang anak na baby pa.

Madadagdagan pa kaya ang sandosenang anak niya?

“Wala na, pina-ligate ko na si kumander,” mabilis na sagot ni Jay.

“Kaya tama na. Pero sabi nung iba, huwag muna. Kasi, maganda naman yung lahi namin. Haha!”

Keri naman niyang suportahan ang 12 anak.

Continue reading below ↓

“Actually, may tatlo ako na naka-graduate na,” aniya.

NOEL FERRER: Isa si Jay Manalo sa mga mahuhusay nating aktor na matindi ang pinagdaanan sa buhay.

Maganda na he gets to play meatier roles in significant projects dahil magaling siya talagang aktor.

Tulad ng personal niyang buhay, tapos na rin ang kanyang pagwawala.

Kaabang-abang itong Burak at ang kanyang magiging mapangahas na performance kung sakali.

JERRY OLEA: Tawang-tawa si Jay nang uriratin namin kung puwede pa siya sa mga eksenang hubaran.

“Puwede naman pero kailangan ko lang mag-gym,” sagot ni Jay.

Ngayong lolo na siya, meron na ba siyang limitasyon?

“Kung kinakailangan ng role, e.

“Pero i-subtle na lang natin nang konti.

“Yung suggestive na lang yung iba, kung ano yung mas maganda.

“Yung nasa isip na lang ng tao. Laruin na lang nila.”

Kakayanin na ba niyang mag-frontal nudity?

“Ay, hindi! Hindi na! Haha! Puwede bang ano na lang... talikod na lang?

Continue reading below ↓

“Iyon, kakayanin ko pa yon!”

GORGY RULA: In-enjoy nang husto ni Jay ang kabataan niya.

Kaya naka-12 na anak siya sa anim na babaeng nakarelasyon niya.

Kung nabubuntis lang ang ibang dumaan sa buhay ni Jay, malamang hindi lang 12 ang mga anak niya.

Naalala ko minsan nang tinanong ko siya kung totoo bang may nangyari sa kanila ng isang sikat na aktres na dati niyang kapitbahay, napangiti lang si Jay.

Paano ko raw nalaman yun?

Hindi niya sinagot ang tanong ko, pero sa reaksiyon niya, mukhang totoong may nangyari.

Kung totoo yun, buti na lang at hindi siya nakabuo kay sikat na aktres!

Maraming natutunan si Jay sa mga karanasan niya noong kabataan niya.

Lalo siyang gumaling na aktor, kaya marami ang nagtitiwala sa kanya at hindi siya nawawalan ng trabaho.

Read Next
Recommended Videos
Trending on PEP.ph
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
PHOTO/S: Jerry Olea
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results