Biopic ni Gen. Bato dela Rosa, pagbibidahan nina Robin at Sharon?

by PEP Troika
Dec 9, 2018
PHOTO/S: Facebook

GORGY RULA: Nagsimula nang makipag-meeting si Direk Adolf Alix Jr. sa production staff niya para sa isang malaking film project na sisimulan niya.

Ayon sa isang naka-meeting ni Direk Adolf, gagawin daw nila ang kuwento ng buhay ng dating PNP Chief Gen. Ronald ''Bato'' dela Rosa.

 IMAGE Facebook

Ang gaganap daw bilang Gen. Bato ay si Robin Padilla, na ang sabi raw ng iba, isa rin sa producers ang naturang aktor.

Continue reading below ↓

Nang nakatsikahan namin si Gen. Bato noong nakaraang linggo, binanggit niyang kung sakaling isasapelikula ang buhay niya, gusto niyang si Robin ang gaganap at sana si Sharon Cuneta ang gaganap na misis niya dahil fan daw ito ng Megastar.

Pero gusto raw ni Gen. Bato na mag-focus sa kuwento ng kabataan niya kung saan dumaan daw siya sa matinding kahirapan bago niya naabot itong kinalalagyan niya ngayon.

“Mas gusto ko kasing ma-inspire ang mga tao, lalo na ang mga kabataan na kahit galing ka sa mahirap, you could be somebody,” pahayag ni Gen. Bato dela Rosa.

Kung matutuloy ito, obvious na gagamitin ito sa pangangampanya sa darating na eleksyon.

Matatapos kaya nila ito agad at maipalabas sa mga sinehan bago dumating ang campaign period?

NOEL FERRER: Isa ako sa mga natawagan ng kaibigang Betchay Vidanes (manager ni Robin) para sa talents ko kung puwedeng gumanap nilang asawa ni Bato na si Binoe ang bida.

Continue reading below ↓

Medyo under time pressure sila, kasi dapat matapos at maipalabas ang pelikula bago ang official campaign period.

Puspusan ang pre-prod at shoot na nila ngayong Kapaskuhan hanggang Enero.

Walang kuwestyon kung makakatulong itong pelikula sa name recall ni Bato sa eleksyon.

Tiyak, mas marami pa ang makakakilala sa kanya dahil sa biopic na pinaplano.

Ang tanong, will these convert to votes?

Well, ibang usapan na iyan!

At sa Senado talaga siya tumatakbo, ha, hindi sa executive branch, ha?!

JERRY OLEA: Bato, bato... pick!

Ikanga... kung gusto, may paraan; kung ayaw, may dahilan.

Bato, bato sa langit... ang tamaan ay huwag magalit.

Gagamitin kayang theme song ng movie ang Bato sa Buhangin?

Itanong natin kay Annie Batungbakal!

Pasensya na kung ang hanash ko e nakakabato!

Read Next
Read More Stories About
Robin Padilla, Sharon Cuneta
Recommended Videos
Trending on PEP.ph
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
PHOTO/S: Facebook
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results