Bong Revilla, namamahay sa sariling tahanan

Bong Revilla, namamahay sa sariling tahanan
by PEP Troika
Dec 10, 2018
PHOTO/S: Gorgy Rula

GORGY RULA: Mainit na tinanggap ng mga Caviteño si dating Senator Bong Revilla nang dumalo siya sa flag-raising ceremony kaninang umaga, December 10, na regular na ginagawa tuwing Lunes sa Bacoor Government Center.

Ang misis niyang si Bacoor Mayor Lani Mercado-Revilla ang nag-introduce kay Bong, na sinalubong ng mainit na palakpakan at tilian.

 IMAGE Gorgy Rula
ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Mahigit 20 minutes ang speech ni Bong at medyo gumagaralgal na ang boses niya nang sinabing pagkatapos ng matinding unos na dumating sa buhay niya, hindi na siya natatakot sa mga susunod na panggigipit at paninira sa kanyang pagkatao.

Tuloy lang daw ang laban niya para sa kanyang mga kababayan.

Sandali lang nakausap ng PEP Troika si Bong, at kinumusta namin siya kung paano ang adjustment niya pagkatapos ng halos limang taong pagkakulong sa Camp Crame.

Hirap pa rin daw siya makatulog na parang namamahay siya sa sarili niyang bahay.

Saad ni Bong, “Nagigising ako sa gabi at ako ay namamahay.

"Sabi nga ni Lani, ‘Bakit ka nagigising?’ Sabi ko, 'Mama, hindi ako makatulog.'

"Actually, two hours lang yata ang tulog ko.

"Sabi nga niya, 'Namamahay ka, e, dito ka nga sa bahay.'

"Siyempre, four years and six months ako sa Camp Crame."

Bong Revilla with wife Mayor Lani Mercado and son Bryan Revilla
 IMAGE Gorgy Rula
CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

Kinabukasan matapos siyang makalaya, hindi napigilang maiyak ang pamilya Revilla sa first breakfast ni Bong in a long time na kumpleto silang buong pamilya.

Kuwento ni Bong, “Noong first breakfast namin together, nagkaiyakan pa kami ng mga anak ko, e.

"Nag-iyakan lahat, e. Even si Lani, umiyak din.

"I can’t believe na magkakasama na kami. Iyon ang masarap na parte na kasama mo ang buong pamilya," pahayag niya.

Tinanong na rin namin kung nakapagpaalam ba siya sa kapit-selda niyang si Senator Leila de Lima bago siya lumabas ng Camp Crame.

“Pinararating ko na lang ang aking panalangin para sa kanya.

“Ipinagdarasal ko na lang na sana, balang-araw, makalaya na rin siya,” nakangiting sagot ni Bong.

Hindi pa rin nagpaunlak ng interview si Bong sa media na nagdagsaan sa Bacoor.

Wala pa siyang pinapaunlakang imbitasyon para kapanayamin siya. Mas gusto daw niyang makasama ang kanyang pamilya, lalo na’t malapit na ang Pasko.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

“Sa ngayon, ang gusto ko, ang pamilya ko ang kasama ko,” pakli niya.

JERRY OLEA: Makabubuting tahimik na lang muna at i-enjoy ni Bong ang kalayaan sa piling ng mga mahal niya sa buhay.

Marami pa siyang dapat ayusin at timbang-timbangin. May tamang panahon para sa lahat ng bagay.

Kung magpapainterbyu si Bong, baka pag-initan siyang lalo ng bashers and haters.

Peace be with you!

NOEL FERRER: Tama ka, Tito Jerry, namnamin na lang muna ni Bong ang bagong kamit na kalayaan at huwag na munang magbukas ng anumang isyu that can further divide the opinion of people.

Sabi ko nga, noong una pa lang, sa pelikula na muna siya sana magbalik at hindi na muna sa politika.

Pero paano, nandiyan na iyan? Hintayin na lang uli ang campaign season.

Family time at time alone na muna, di ba? Sana.

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
PHOTO/S: Gorgy Rula
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results