Catriona Gray, "nagkalat" dahil sa kanyang national costume sa Miss Universe?

JERRY OLEA: Puring-puri ng kaibigan naming Cebu-based designer na si Harley ang national costume ni Catriona Gray sa 67th Miss Universe pageant.

IMAGE Photo from Instagram

Post sa Facebook ni Harley nitong Disyembre 10, gabi ng Lunes, “HEAVY but BEAUTIFUL and RICH with HISTORY: Catriona Gray’s National Costume reminds me of Miss Paraguay, Pamela Zarza’s costume in 1992 and Miss Myanmar’s in 2016.

“They struggled to walk because it was so heavy but managed to carry it gracefully and walk away with BEST in NATIONAL Costume Award. Crossing my fingers. IM SO PROUD OF YOU MISS PHILIPPINES.”

Ang kaibigan naming kapwa manunulat na si Bradford Adkins ay nasa Thailand para sa coverage ng nasabing timpalak.

Ang post ni Bradford sa Facebook nito ring Monday night, “I am so sorry Catriona Gray but dapat ipako sa krus ang nag-design at nagpasuot sa ‘yo ng National Costume mo.

“Hirap kang maglakad kasi napakabigat. Did u even do a dry run walking with it? And the artwork looks like a Grade School project! Nakakahiya!

“You embarrassed not just yourself but the whole Philippines with that costume!”

Sa isang comment ay nag-reply si Bradford bilang dagdag-paglalarawan kay Catriona, “Para siyang kampanerang kuba maglakad na parang The Passion of The Christ na hirap na hirap...”

GORGY RULA: Kung makapuna ang iba, akala mo sila ang nagsusuot nitong NatCos (national costume).

Kahit mabigat at kung nakeri naman ni Catriona, palakpakan na natin siya.

Isipin natin na sa costume ni Catriona, doon isinasalarawan ang ating bansa, ang ating tradisyon at ang katangi-tanging karakter ng isang Pinoy.

Hindi lang na-interpret sa naturang national costume ang isa pang katangian ng mga Pinoy: ang pagiging mapanlait at mema lang!

JERRY OLEA: Malakas ba ang palakpakan kay Catriona nang irampa niya ang NatCos?

“No! We were all shocked sa kapangitan ng NatCos niya. We all agree she has the ugliest NatCos of the night,” sabi ni Bradford nang maka-chat namin sa Messenger nitong Disyembre 11, Martes nang umaga.

“Pati nga Thai dancers, talbog ang NatCos ni Catriona. Nagmukha talaga siyang kawawa... pati Philippines, nagmukhang kawawa...

“Hindi siya makalakad nang maayos sa bigat ng pasan niyang ewan kung anu ‘yun, it doesn’t look like a lantern to us.

“Sa hirap niyang maglakad, inabutan siya ni Poland sa likod. Akala ko nga, tutulungan siya ni Poland magbuhat ng pasang krus niya.

“Sa NatCos, even if you don't win, OK huwag ka lang magkalat sa pagrampa... si Catriona, nagkalat!”

Kaninong NatCos ang bet niya?

Mabilis na tugon ni Bradford, “Thailand, hands down. Simple yet elegant and nationalistic.”

 


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN