Sharon Cuneta, nagsimula nang mag-shooting ng horror film

GORGY RULA: Nagsimula na palang mag-shooting si Sharon Cuneta ng pelikulang idinidirek ni Erik Matti under Reality Films.

Iniiwasan muna ng mga taga-Reality Films na pag-usapan ito dahil matagal pa ang showing nito. Kaya ayaw muna nilang magbigay ng detalye.

IMAGE Bernie Franco

Ang nakuha lang ng PEP Troika ay horror movie ito at Kuwaresma ang tentative title.

Makaksama rito ng Megastar si John Arcilla at ilang bagong artists ng Reality Entertainment ni Dondon Monteverde.

Sa Baguio ang shooting, kaya medyo magtatagal daw doon si Sharon.

Wala pa silang sagot kung kailan ang showing. Kaya inaalam pa ng PEP Troika kung bago o pagkatapos ba ng Kuwaresma ang showing nito.

NOEL FERRER: Tama ka sa nasagap mong balita, Tito Gorgy.

Sa Baguio nga nag-shooting si Sharon at talaga namang nakakatakot yung bahay na pinag-shooting-an nila.

Nag-segue na rin si Sharon sa pag-celebrate ng birthday ng malapit niyang kaibigan at production designer na si Danny Cristobas, samantalang sina Direk Erik at si Dondon Monteverde ay tumulak papuntang Macau for an international film market and festival na kanilang dinaluhan.

Magandang balita ito. At balita ko, after nitong horror movie ay may homecoming film siyang gagawin sa Viva.

Bongga!

JERRY OLEA: Good news ito para sa Sharonians na tulad ko!

Siguro naman, hindi na sasabihang pabebe si Mega ngayong horror genre naman ang ie-explore niya.

 


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN