Ilang Kapamilya stars, nagpaparamdam diumano sa Kapuso network

by PEP Troika
Dec 14, 2018

GORGY RULA: Kung matutuloy ang pag-alis ni Kiko Estrada sa GMA-7, mukhang may mga posibleng papasok sa bakuran ng Kapuso network mula sa ibang istasyon.

Isa na rito si Derek Ramsay, na hindi pa kinukimpirma ng kampo niya kung matutuloy na ang pagpirma sa GMA-7.

 IMAGE Allan Sancon

Sabi lang ng hunk actor sa huling post niya sa Instagram, “Tonight I make a big decision regarding my career. I’m both nervous and thrilled at the same time.”

Continue reading below ↓

Kahapon, December 14, tinanong ko ang manager ni Derek na si Joji Dingcong kung pipirma na ba sila sa GMA-7.

Wala pa siyang sagot sa akin hanggang ngayon.

Pero ito na, bukod kay Derek ay may narinig kaming iba pang mga artista na nagpaparamdam at nakikipag-usap na raw ngayon sa GMA-7:

Una na rito ang isang businessman-actor na sumikat dahil sa nag-hit noon ang soap niya sa ABS-CBN.

Nagpaparamdam din daw ngayon sa GMA ang isang matangkad na hunk actor at ang dating hunk actor na hindi gaanong active ang showbiz career ngayon.

Ewan kung alam ni Sir Noel Ferrer na mayroon daw nagre-represent ngayon sa isang singer-actress npara makalipat sa GMA-7.

Ayoko na munang sabihin kung bakit gusto niyang lumipat para hindi na muna mahulaan kung sino ito.

Malamang wala pang maisasagot diyan ang top executives ng GMA-7 dahil paramdam pa lang daw muna ang mga artistang ito.

Abangan na lang natin, at tiyak isa sa kanila ay papasok na sa pintuan ng Kapuso network.

Continue reading below ↓

Tingnan na lang natin kung papayagan ba sila ng iiwanang network, at kung ano ang puwedeng gawin sa kanila ng GMA-7.

Masaya ‘yan sa pagpasok ng 2019!

NOEL FERRER: Sa showbiz parlance, “lipatan” may mean reinvention and better opportunities. Sino naman ang ayaw nun, di ba?

As for Kiko Estrada, OK lang siyang lumipat. Baka lumevel siya kay Enzo Pineda nang mag-ABS-CBN.

Continue reading below ↓
 IMAGE Mark Atienza

Yung isang leading man na nag-iba ng management, OK lang din. Pero sana, huwag siyang maging reklamador kapag lumipat siya.

Yung businessman turned actor, hindi ba, tatakbo na siyang politiko? Di ba, lie low muna siya sa pag-aartista if ever?

At si singer-actress, puwede naman dahil may angking galing ito, pero for now, I doubt.

As for Derek Ramsay, mukhang OK na move na magbalik-Siyete siya.

Less than the TF of TV5, but higher I guess than ABS. Go go go!

JERRY OLEA: Palipat-lipat, papalit-palit. Hindi na bago ang rigodon at pag-o-ober-da-bakod ng mga artista.

Siyempre, may kani-kanya silang dahilan.

Sina Aga Muhlach at Sharon Cuneta ay lumipat noon sa TV5, pero kapagkuwan ay nagbalik-Kapamilya.

Antabayanan natin kung matutuloy ang paglipat sa Kapuso Network ng mga Kapamilyang nagpahiwatig.

Read Next
Recommended Videos
Trending on PEP.ph
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results