Maine Mendoza, tututukan ang paggawa ng album niya sa 2019

by PEP Troika
Dec 15, 2018
PHOTO/S: Noel Orsal

GORGY RULA: Isa sa aabangan kay Maine Mendoza sa 2019 ay ang ilu-launch niyang album.

Nakapirma na si Maine sa Universal Records, pero wala pa siyang nabuong album dahil sa dami ng ginagawa niya.

 IMAGE Noel Orsal

Kuwento sa amin ng manager ni Maine na si Rams David ng Triple A Management, itutuloy na nila sa susunod na taon ang matagal nang nakapalanong album ng Eat Bulaga! co-host.

Continue reading below ↓

“Yun dapat ang gagawin namin this year na hindi namin natupad, kasi walang time.

“Ayaw naming madaliin bilang si Maine po ang sumusulat ng lahat na kanta,” pahayag ni Rams kahapon, December 14.

Mga anim na kanta raw ang nakapaloob sa album at dalawang kanta na raw ang nai-record ni Maine.

“Yung first single, pina-polish na. Yung isa na covers, nakanta na niya,” dagdag ni Rams.

Sa ngayon ay abala si Maine sa promo ng MMFF 2018 entry nilang Jack Em Popoy: The Puliscredibles, kaya hindi muna niya matatapos ang album.

Pagpasok ng 2019, isa ito sa aasikasuhin ng Phenomenal Star dahil matagal na itong ipinangako ni Maine sa kanyang fans.

Inaasahang susuportahan ito nang husto ng fans niya at ng AlDub Nation.

JERRY OLEA: Nagtapos ang teleserye ng AlDub na Destined To Be Yours noong Mayo 2017. Ang sabi noon, ikinakasa na ang susunod na pelikulang pagbibidahan nila.

Continue reading below ↓

Anong petsa na?!

Kani-kanya na ng landas sina Alden at Maine.

Nag-concert si Alden; bubuo ng sariling album si Maine.

Nag-Victor Magtanggol si Alden; si Maine ay isa sa mga bida sa Jack Em Popoy: The Puliscredibles.

Na-link si Maine kina Juancho Triviño at Arjo Atayde; si Alden, kuntento sa pagiging single and available.

NOEL FERRER: Maganda ‘yang nag-grow na sina Alden at Maine para gumawa ng kani-kaniyang projects.

Ang fans na lang talaga ang dapat sumunod sa kanilang pagma-mature bilang tao at artists.

Hindi ba’t mas maganda ang reunion project nila if ever kung may pagka-miss nang kaunti?

Pero nami-miss na ba ang AlDub? Baka kailangang magpa-miss pa para mas matamis ang muling pagbalik ng pag-ibig.

Read Next
Recommended Videos
Trending on PEP.ph
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
PHOTO/S: Noel Orsal
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results