Pia Wurtzbach, aminadong malaki ang tsansa ni Catriona Gray na manalong Miss Universe

by PEP Troika
Dec 15, 2018
PHOTO/S: Noel Orsal / Miss Universe YouTube

NOEL FERRER: Hataw sa paggawa ng commercial si Miss Universe 2015 Pia Wurtzbach, kasama ang Olympian na si Hidilyn Diaz, kaugnay sa isang year-ender campaign para sa world-class achievers.

Nagmamadaling matapos si Pia dahil lilipad siya nang maaga ngayong araw, December 15, papuntang Bangkok, Thailand, para dumalo ng Miss Universe 2018 pageant.

Continue reading below ↓
 IMAGE Noel Orsal

Mula mismo sa glam team ni Pia, at maging siya, suportado nila at aminadong malaki ang tsansa nating mapanalunan ulit ang korona ngayong taong ito.

Ang impression ng mga tao ay inaral at pinerfect ni Catriona Gray ang lessons from the past pageants at ngayo’y hinog na hinog siyang manalo ng panibagong title para sa ating bayan.

Continue reading below ↓
 IMAGE Screengrab from Miss Universe Official Facebook Page

Ang tanong ng pageant observers: ano kaya ang magiging epekto ng posibleng pagpanalo ni Catriona kay Pia kung sakali?

The challenge is for Pia to keep her premium even if a new queen is proclaimed.

Oh well, at least may bago na siyang dance show na ihu-host for ABS-CBN by the start of the year.

At least, that’s something to look forward to.

GORGY RULA: Magaling namang umarte si Pia, kaya puwede niyang ituloy ang showbiz career.

Magaling ding humarang ang handlers niya para hindi masagot ang isyu niya kina Gerald Anderson at Bea Alonzo.

JERRY OLEA: Maraming nagwi-wish para kay Muning (tawag kay Catriona), “May the fourth be with you!”

Hope springs eternal, kaya inaasam ng maraming Pinoy na makamit ni Muning ang korona ng Miss Universe sa ikaapat na pagkakataon.

Pero huwag tayong magbilang ng sisiw hangga’t hindi napipisa ang mga itlog.

Continue reading below ↓

Huwag na rin tayong umasang sasagutin ni Pia ang intrigang nagtikiman sila ni Gerald.

Read Next
Recommended Videos
Trending on PEP.ph
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
PHOTO/S: Noel Orsal / Miss Universe YouTube
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results