Derek Ramsay, kumpirmado na ang pagpirma ng kontrata sa GMA-7

by PEP Troika
Dec 15, 2018
PHOTO/S: Megaworld

GORGY RULA: Kinumpirma ng isang reliable source ng PEP Troika na magiging Kapuso na si Derek Ramsay.

Nakiusap lang ang source na huwag munang sabihin kung sino siya.

 IMAGE Megaworld

Napag-alaman nating sa second week ng January 2019 magaganap ang contract signing ni Derek sa GMA Network.

Inaayos lang daw ng lawyers ang kontrata.

Continue reading below ↓

Kinulit ko ang ilang executives ng GMA-7 kung tuloy na tuloy na ba si Derek, pero hindi pa sila sumasagot.

Kaya isa ito sa aabangan sa Kapuso network sa 2019.

Sa paglipat ni Derek, madadagdagan ang malalaking leading men sa Kapuso network.

NOEL FERRER: Sa GMA-7 naman talaga unang nanggaling si Derek, kaya umaasa tayong mare-reinvent at mas magiging commercially viable pa siya sa kanyang pagbabalik-Kapuso.

At least, puwede siyang maging leading man nina Marian Rivera, Heart Evangelista, Jennylyn Mercado, Carla Abellana, pati na nina Barbie Forteza, Bianca Umali, Kyline Alcantara, at Bea Binene, di ba?

From Bea Alonzo to Bea Binene—what a range, di ba? (Joke)

To Derek, our sincere congratulations!

JERRY OLEA: Welcome na welcome sa Kapuso Network ang bruskong leading man na gaya ni Derek.

Mas sikat si Derek kesa kina Jason Abalos at Manolo Pedrosa na dating Kapamilya na lumipat sa GMA-7, di ba?!

Read Next
Recommended Videos
Trending on PEP.ph
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
PHOTO/S: Megaworld
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results