Liza Soberano, naispatan habang namamahagi ng food packs sa pulubi

JERRY OLEA: Hindi ko agad namukhaan si Liza Soberano sa dalawang litratong ipinadala sa akin via Messenger nitong Disyembre 16, Linggo ng umaga.

IMAGE Facebook Messenger
IMAGE Facebook Messenger

Sa pictures, halatang nagmamadali si Liza sa pamimigay ng food packs sa mga nadaanang pulubi o homeless sa Quezon City.

Stolen shots!

Naalala ko ang post ng katotong Dindo Balares last year sa Facebook.

Christmas season din noon, at may mga litratong lumabas noon kaugnay sa palihim na pagse-share ni Liza ng biyaya sa mga nangangailangan.

“Hindi nagpu-post ang babaeng ‘yan ng pagkakawang-gawa. Self-serving daw,” sabi ni Dindo nang makatsika ko sa Messenger nitong Linggo ng hapon.

NOEL FERRER: I have always admired Liza’s simple and good heart.

Kaya siya blessed dahil mabait siyang anak at kapatid!

May her star shine brighter next year with her movie with Enrique Gil and her much-awaited Darna project.

Lipad, Liza, Lipad!

GORGY RULA: Sana, tuloy na tuloy na talaga ang Darna ni Liza sa 2019.

Karamihang eksena sa pelikulang ito ay gagawin na raw sa bagong Soundstage na studio ng ABS-CBN.

Sobrang laki ng studio na kayang-kaya matapos doon ang buong pelikula.

Kaya sana, matapos na talaga na posibleng isali sa 2019 MMFF.

 


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN